^

PSN Showbiz

Hot Mama buntis!

-

MANILA, Philippines - Ngayong Huwebes, watch ninyo ang kapana-pa­nabik na pagtatapos nang naka­kakilig na love story ng ating bidang si Eugene Domingo bilang si Hot Mama sa finale episode ng SRO Cine­maserye.

Hindi ikinatuwa ni Randy (Wendell Ramos) ang pagkikita nila ng ex na si Jury (Joseph Smi­sek). Hindi naniniwala si Jury na tama ang pagpa­pakasal ni Randy kay Lola (Eugene). Confident siya na babalik pa rin si Randy sa kanya.

Of course, secret ito ni Randy from Lola. He can’t break Lola’s heart and trust. Besides, mahal naman talaga niya si Lola. Malinis ang konsensiya niya nang paka­salan si Lola. He was hoping na hindi na mau­ungkat ang tungkol sa past pero nag­pakita nga uli si Jury.

Si Jury ang mauunang kumilos. Hihingi siya ng payo kay Hot Mama. Hindi alam ni Lola na si Jury ang ex ni Randy at sasabihin pa niya na walang masama kung bading ang isang tao.

Ngunit madidiskubre ni Lola ang sikreto ni Ran­dy. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nalaman. Feeling betrayed at nasira ang trust niya kay Randy. Nagalit ito at kahit ano pang paliwanag ni Randy, hindi niya ito tinatanggap o pinakikinggan. 

Ilang araw siyang hindi nagtrabaho kaya mina­buti ng kanyang mga kaibigan na dalhin si Lola sa hospital. Noon naman bumalik si Randy. Nag-worry ito dahil ilang gabi na niyang hindi naririnig sa program si Lola. Dali-dali nitong pinun­tahan si Lola sa hospital. Worried na may matindi itong sakit. Sa hospital na malalaman ni Randy ang lahat... walang sakit si Lola. Buntis ito!

Manumbalik pa kaya ang dating pag­mama­halan nina Lola at Randy? Magkaroon kaya ng happy ending ang lovelife ni Hot Mama?

Tunghayan ang part four episode ng SRO Cine­maserye presents Hot Mama, pagkatapos ng Queen Seon Deok sa GMA Telebabad.

vuukle comment

EUGENE DOMINGO

HOT MAMA

JOSEPH SMI

LOLA

NGAYONG HUWEBES

QUEEN SEON DEOK

RANDY

SHY

SI JURY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with