^

PSN Showbiz

Staff and crew ng isang network namamangka sa bagong istasyon

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Napadaan sa set ng taping ang isang reporter at dahil pamilyar ang nakitang staff at crew, sumilip ito para makibalita kung anong show ng existing network ang sinu-shoot. Laking gulat ng reporter dahil hindi show ng EN (Existing Network) ang nagti-taping, kundi show ng BSN o Bagong Siglang Network.

Taping ‘yun ng youth-oriented show ng BSN, pero empleyado ng EN ang nagta­trabaho mula sa cameramen hanggang utility. Ang iba sa kanila’y konektado sa mga umeereng soap ng EN.

Hindi na nagtagal sa set ang reporter dahil shocked sa nadiskubre. Tanong nito kung alam ng EN ang pagsa-sideline ng kanilang mga tao? O kung nag-resign na ang mga ito dahil parang mali kung patago ang pamamangka nila sa dalawang networks.

* * *

Nasa TV5 na rin pala si Joyce Bernal dahil siya ang director ng teen show na BFGF o Boyfriend-Girlfriend at nabanggit ding magdidirek sa drama specials. Dahil dito, hindi pa sure kung si direk Joyce ang magdidirek ng Endless Love: Au­tumn In My Heart na balik-tambalan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Kasama sa cast ng BFGF sina Alex Gonzaga, Chris Cayzer, Callalily lead singer Kean Cipriano, Nico Umali, Zyrus Desampedro at Angelo Patrimonio. Sa talents ng TV5, si Alex ang may pinakamaraming shows at mukhang ‘di titigil ang istasyon hangga’t hindi ito nagiging big star/TV host. Bukod sa BFGF, kasama si Alex sa PO5, Juicy, Lokomoko, at Everybody Hapi.

* * *

Hanggang bukas, May 29 pa ang taping ng First Time bago mag-time out for the Holy Week ang cast, staff at crew at first week ng April na ang resume ng taping. Kanya-kanyang plano ang cast ng youth-oriented show ng GMA 7 kung saan sila magho-Holy Week.

Si Joross Gamboa sa Phuket, Thailand magbabakasyon kasama ang GF niyang si Kathy na sa ganda, puwedeng mag-artista. Silang da­la­wa lang ang aalis, bonding time nila dahil naging busy sila sa kani-kanyang trabaho.

Pinaaabangan ni Joross ang week 7 ng First Time dahil pag-aagawan siya nina Michelle Madrigal at Roxanne Barcelo at enjoy siya sa kan­yang role. Happy din si Joross na makapareha ang crush niyang si Jackie Rice sa Tisay episode ng Dear Friend na eere simula April 18. Bumili siya ng FHM na cover si Jackie para papirmahan, pero up to now, ‘di pa niya napapapirmahan dahil nahihiya siya sa aktres.

vuukle comment

ALEX

ALEX GONZAGA

ANGELO PATRIMONIO

BAGONG SIGLANG NETWORK

CHRIS CAYZER

DAHIL

DEAR FRIEND

DINGDONG DANTES

FIRST TIME

HOLY WEEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with