^

PSN Showbiz

Pacman siyam na araw nag-novena

-

MANILA, Philippines -  Ngayong araw na ang laban ni Manny Pacquiao kay Joshua Clottey. At ang tanong ng sambayanang Pinoy : Nasa Dallas, Texas ba si Krista Ranillo para panoorin ang laban ni Pacman na hindi pa rin natitigil ang pagli-link sa kanila?

Lumutang ang balita kamakailan lang na nakitang magkasama sina Manny at Krista sa Pallazo apartment sa Los Angeles, habang nagti-training si Manny sa nasabing laban.

Kaya ang tanong, manonood kaya sa Dallas si Krista?

Sagot ng kaibigang si Joe Barrameda na kasama sa Team Pacquiao : “Hindi namin nasisilayan pa at hindi na rin siya pinag-uusapan dito.”

Kuwento pa ni Joebarr na hindi nila alam kung makakahabol ang boxing champion na si Nonito Donaire para mapanood ang nasabing laban ni Pacman dahil nagkaproblema ang computer ng United Airlines sa San Francisco at na-cancel ang flights doon. “Kaya di ko alam kung aabot siya bukas sa fight,” sabi niya.

Wala rin daw masyadong artistang dumayo sa Texas para manood ng laban except sa ex-husband ni Geneva Cruz na si KC Montero.

Naging tradisyon na sa maraming artista ang panoorin ang laban ni Pacman dahil namimigay ito ng tickets pero marami sa kanila ngayon ang nalalayuan sa lugar ng laban. Saka mas magastos daw sa Texas.

Wala rin daw gaanong pulitiko. Sina First Gentleman Mike Arroyo at Chavit Singson lang daw ang naispatan ni Joebarr.

Kuwento pa ng kaibigan at kasamahan sa panulat, kahapon ay nag-rosary ang grupo ni Pacman. Konti lang daw sila sa hotel room at mismong si Manny ang nag-lead ng rosary. “Namangha lang ako at kabisado niya ang misteryo ng rosaryo.”

Kuwento pa niya, bago pala mag-fight, may nine days novena si Pacman at ngayong araw ang ikahuli.

May photo ba? Tanong ko kay Joebarr habang nagcha-chat kami sa Facebook : “Wala, bawal ang photo.”

Lahat daw kasi sila nakaluhod kaya naaliw si Joebarr na ang tagal na niyang nakaupo pag nagro-rosaryo pero kahapon ay nakiluhod siya.     (SALVE ASIS)

vuukle comment

CHAVIT SINGSON

JOE BARRAMEDA

JOEBARR

JOSHUA CLOTTEY

KAYA

KRISTA

KRISTA RANILLO

KUWENTO

PACMAN

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with