^

PSN Showbiz

Kim Chiu nakikipagsabayan ng pagpapa-sexy

- Veronica R. Samio -

Mabuti naman at nataon na nasa Australia sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez, para sa kasal ni Michelle van Eimeren, sa launching ng Kaya Natin Ito music video, kung hindi sabay silang ma­pa­panood sa bagong SOP ng GMA7 na kung saan regular silang lumalabas at sa ASAP ng ABS-CBN na kung saan sabay na ini­lunsad ang music video ng Kaya Natin Ito.

Mas nakahihigit ang dami ng Kapamilya stars na kasali sa music video (Sharon Cune­ta, Lea Sa­longa, Charice Pem­peng­­co, Piolo Pascual, Gary V, Jed Ma­de­la, Mark Bautista, Martin Nie­vera, Anne Curtis, Christian Bau­tis­ta, at ma­rami pa ring iba na sinulat at binuo ng grupo ni Ogie.

* * *

Akala ko nakalusot na ng malinis ang naging per­formance ng La Diva na binubuo nina Jonalyn Viray, Ai­celle Santos at Maricris Garcia sa naging laban ni Manny Pacquiao kay Miguel Cotto. Sila ang napiling uma­wit ng Lupang Hinirang. It was one of the most beautiful renditions of our national anthem. I thought it was a winner.

Hindi pala, mayroon pa ring naging puna sa kanilang perfor­man­­ce na akala ko ay ginawan na ng na­pakagandang areglo ni Danny Tan.

Hay naku, darating pa kaya ang pa­nahon na ma­kukuntento ang mga kinauukulan sa ginaga­wang pag­kanta ng Lupang Hinirang? Baka du­mating ang araw na gawin na lamang itong instru­mental, hindi na kakantahin para walang problema. Pero bakit naman sa mga national anthems ng ibang bansa na sa iba ibang istilo kinakanta ay hindi nag­kakaproblema? Bakit sa atin lang?

* * *

Ang galing nang sumayaw ni Kim Chiu. Maganda yung dance number nila ni Gerald Anderson sa ASAP. Hindi mo iisiping artista siya at hindi isang dancer. Hindi rin siya na­­pag-iwanan ng kanyang mga nagseseksihang kasama tu­lad nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban at Anne Cur­tis. She showed sexiness sa kabila ng balot na balot siya. At siya marahil ang may pinakamaliit na boobs. Kim has pro­ven na puwedeng maging sexy ang isang tulad niyang may maliit na pangangatawan, nasa tamang pag­da­dala la­mang ito. Maski na nga sa isa niyang komersiyal ng isang sa­nitary napkin ay sexy siya.

Isa na marahil sa pinaka-improved na Kapamilya artist si Kim. 

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

ANNE CUR

ANNE CURTIS

BEA ALONZO

CHARICE PEM

CHRISTIAN BAU

DANNY TAN

KAYA NATIN ITO

LUPANG HINIRANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with