^

PSN Showbiz

Marian puro peke ang Facebook account

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Balik-Regal Entertainment si Eugene Do­min­go after magkatampuhan ang manager niyang si Ricky Gallardo at si Mother Lily Monteverde. Ka­­sa­ma na ang komedyana sa Nieves, her next movie after Kimmy Dora (Kambal sa Kiyeme) at tiyak na isa na namang nakakatawang per­formance ang kanyang ibibigay sa mga moviegoers.

Sa storycon last Saturday dumating ang buong cast sa pangunguna ni Marian Rivera, Carla Abellana, Jake Cuenca, Ryan Eigenmann, AJ Dee, BJ Forbes na pumalit kay Buboy Villar as Ma­rian’s sidekick, at Keempee de Leon. Present din si direk Mike Tuviera at co-producer na si Tony Tuviera. Sa Sept. 26 na ang first shooting day nila sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Gusto palang ipaalam ni Popoy Caritativo, manager ni Marian na walang Facebook account ang actress at fake lahat ang makikitang site. Pinakamatindi sa fake Facebook account ni Marian yung may mga behind-the-scene pictures sa taping ng Darna at kompleto sa schedule ng actress dahil ibig sabihin, laging na­kasunod ang taong ito kay Marian.

* * *

Kaibigan ang turing ng isang young actress (YA) sa kapwa actress na nakasama niya sa isang soap. Ikinukuwento pa nito kung gaano kabait sa kanya ang mas may edad na actress, nakikipag-kuwentuhan sa taping at binibigyan siya ng baong pagkain.

Ang hindi alam ni YA, pinag­selosan ng mas may edad sa kanyang actress ang tambalan nila ng boyfriend nitong actor. Nagagalit ito ’pag may sweet moments sila ng actor at kulang na lang magwala ’pag may kissing scene ang dalawa.

Akala siguro ng older actress, type ni YA ang BF niya dahil kinikilig ito ’pag napag-uusapan ang BF. Nagwa-gwapuhan lang si YA sa actor, pero hindi niya ito crush at ’di pinangarap maging BF dahil ayaw niya sa nobyong malaki ang agwat ng edad sa kanya. Hindi rin alam ni older actress na na­ki­pagbalikan na si YA sa kanyang ex, kaya nasayang ang pagseselos niya.

vuukle comment

ACTRESS

BUBOY VILLAR

CARLA ABELLANA

EUGENE DO

FACEBOOK

JAKE CUENCA

KIMMY DORA

LILY MONTEVERDE

MARIAN RIVERA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with