^

PSN Showbiz

Rufa Mae na-pressure lang na magpakasal?

- Veronica R. Samio -

Dumarami ang artista natin na nagsimula nang magprodyus ng pelikula. I’m sure naengganyo sila kay Piolo Pascual na ang unang prinodyus na pe­li­kula (Manila) ay naipalabas agad sa Can­nes Film Festival. Ang sumunod naman ay ang laun­ching film ng komedyanteng si Eugene Do­mingo, isang patunay na hindi nagpoprodyus ng movie ang magaling na aktor para sa sarili kundi para rin ma­­­katulong sa kanyang kapwa artis­ta at mga manggagawa sa pelikula na kapos sa kita dahil kapos din sa trabaho.

Ang mga katulad nilang nagpoprodyus ng pe­li­kula, indie man o mainstream movies, ay mala­king tulong sa mga taga-industriya, mangga­gawa man o artista.

Hindi man tiyak, minsan ay nasabi ni Ding­dong Dantes na isa siya sa mga co-producers ng Kim­my Dora (Kambal sa Kiyeme), ang second film production ng grupo ni Piolo, ang Spring Films.

 Ngayon, si Richard Gutierrez naman ang su­mu­subok na maging movie producer. Co-producer siya ng GMA Films sa Patient X, isang horror movie ni Yam Laranas na si Richard din ang lead star. Isa siyang doktor sa ER sa pelikula na siyang tanging nakakaalam ng lunas sa sakit ng isang pasyente na ginagampanan ni Cristine Reyes.

Kasama rin nila sina TJ Trinidad at Elvis Gutierrez.

Pangarap din ni Richard na makapagprodyus mag-isa ng isang pelikula. Isang paraan niya ito para makatulong sa naghihingalong industriya ng pelikula.

* * *

Sana nga totoong nakatakdang magpakasal na si Rufa Mae Quinto next year. Kahit described na described na ang guy o boyfriend niya na matagal na niyang kakilala, ang identity nito ay nananatiling lihim magpahanggang ngayon. Bakit kaya, is she playing safe? Sakali mang magkabulilyaso at hindi na naman matuloy ang kasal niya?

No matter what, sana nga matuloy na ang pagpapakasal niya dahil nagkakaedad na siya. Kaya lang babu na siya sa showbiz dahil nasa plans ang pag-settle nila sa US where they already have a house.

Pero totoo ba ang nabalitaan ko na nangarag lamang siyang mag-asawa ng agad-agad nang mabalitaan niya na ang nililigawan ng ex niyang si Erik Santos ay ang babaeng taga-Alaska na naging dahilan ng paghihiwalay nila?

Is she still carrying a torch for Erik?

* * *

Wish ni Gabby Concepcion na makasama si Sharon Cuneta sa pelikula pero wish din ba ito ni Mega?

Pero mukhang magkakatotoo yung kutob ni Gabby na magiging isang block­buster ang kanilang movie together dahil sabik na ang mga fans nila. Hindi naman sila nawala during the years na magkahiwalay ang dalawa, nanahimik lang sila at naghintay ng pagkakataon. Ngayon, the time has come. Or at least the chan­ce na makitang magkasamang muli ang kanilang mga idolo. Pero mas naniniwala sila na magiging mas malaking blockbuster ang Gabby-Sharon re­union movie kapag naisama nila ang kanilang anak na si KC Concepcion.

vuukle comment

CRISTINE REYES

ELVIS GUTIERREZ

ERIK SANTOS

EUGENE DO

FILM FESTIVAL

GABBY CONCEPCION

NGAYON

PATIENT X

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with