^

PSN Showbiz

Beauty queen Janina biglang nakamukha ni Gina Pareño

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Totoo ang tsismis. Masaya ang mga presscons ng Celebrity Duets dahil sa iba’t ibang karakter ng mga contenders.

First time ko na mag-attend ng presscon ng season three ng Celebrity Duets noong Lunes at nag-enjoy ako sa mga drama ng siyam na contestants.

Siyempre, dumalo ako sa presscon para i-cheer si Mikaela Bilbao, pati na si Joel Cruz na parehong malapit sa aking puso.

Kabilang sina Joel at Mikaela, ang iba pang contestants ay sina Gina Alajar, Nonito Donaire, Jr., Akihiro Sato, Maxie Cinco, Jomari Yllana, Niccolo Cosme, at Janina San Miguel na hindi ko nakilala dahil sa kanyang short hair.

Iba ang hairdo ni Janina kaya naging kamukha siya ni Gina Pareño. Bago nagsimula ang presscon, nag-dialogue ako na hindi mawawalan ng ka-duet si Jomari dahil nandiyan sina Pops Fernandez, Ara Mina, at Aiko Melendez.

Parang nag-dilang-anghel ako dahil sa tsikahan portion, siney ni Jomari na type niya na maka-duet ang tatlong babae na kanyang nakarelasyon. Nahihiya lang daw siya na tawagan sina Ara, Pops, at Aiko.

At dahil sinabi ni Jomari sa presscon ang kanyang sentimyento, imposibleng hindi makarating sa tatlo ang kanyang secret wish. Secret wish na hindi na secret!

* * *

Hindi ko kilala si Akihiro Sato pero nakyutan ako sa kanyang mga sagot. Hindi pa marunong magsalita ng Tagalog si Akihiro dahil wala siyang dugong Pilipino. Halatang-halata sa pagsasalita niya ang pagiging Hapon at Brazilian.

Si Akihiro ang heartthrob ng Celebrity Duets 3, gaya ng pagiging heartthrob ni Phil Younghusband noong season two.

* * *

Sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid pa rin ang mga hosts ng Celebrity Duets 3. Hindi naka-join si Ogie sa presscon dahil may taping siya para sa Bubble Gang.

Umapir si Regine sa presscon kaya bigla kong naalaala ang mga OPM niya na may ibibigay sa akin. Palaging “Okay, may ibibigay ako sa ‘yo” ang dialogue ni Regine kapag nagkikita kami pero hanggang ngayon, wiz pa ang kanyang mga promises.

Hindi ako nawawalan ng hope dahil busy lang siguro si Regine sa kanyang mga trabaho. Hoping ako na darating ang araw na tutuparin niya ang kanyang mga pangako sa akin. Hindi ko lang alam kung kailan.

* * *

Mag-uumpisa na ang Celebrity Duets 3 sa darating na Sabado. Hindi pa magtatanggalan dahil ipapakilala pa lamang sa madlang-bayan ang nine contestants.

Kung hindi ako nagkakamali, sa third episode ng show ang tigbakan portion. Sumumpa si Janina na pipilitin niya na magtagal sa contest o umabot siya sa grand finals. Napansin kasi ni Janina na mga beauty queen ang unang natsutsugi sa show.

Noong season one, si Anna Teresa Licaros ang unang nag-goodbye dahil mababa ang text vote na kanyang natanggap. Noong season two, maagang natsugi sa contest si Melanie Marquez. Nag-promise si Janina na ibe-break niya ang curse sa mga beauty queens na nag-join sa Celebrity Duets.

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

AKIHIRO SATO

AKO

CELEBRITY DUETS

DAHIL

JANINA

JOMARI

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with