^

PSN Showbiz

Bong Revilla tinawag na ipokrito ni Dong Puno?

- SEEN SCENE -

Seen : Si Jake Cuenca sa burol ni Douglas Quijano noong Huwebes. Bineso ni Jake ang lahat ng mga female entertainment writer at ang mga babae na napagkamalan niyang reporter.

Scene : Nag-retouch ng make up si Gretchen Barretto bago ito sumali sa gifts offering sa pamisa ng PAMI para kay Douglas Quijano.

Seen : Biglang nawala si Joey Marquez nang makita niya si Kris Aquino sa live telecast ng The Buzz mula sa chapel ng Heritage Park. 

Scene : Ngayong hapon ang cremation sa labi ni Douglas Quijano sa Heritage Park.

Seen : Nagkita ngunit parang hindi nakita nina Richard Gutierrez at PEP Editor-in-Chief Jo Ann Maglipon ang isa’t isa sa PAMI mass .

Scene : Tinawag na ipokrito ni Atty. Dong Puno ang isang pulitiko sa kanyang kolum sa    isang pahayagan. Hindi nagbigay ng clue si Dong ngunit maliwanag na si Senator Bong Revilla ang kanyang tinutukoy na ipokrito.

Seen : Kinaiinisan na si Katrina Halili dahil sa kaliwa’t -kanan na pagsasampa niya ng reklamo laban kay Dra. Vicki Belo. Nabawasan na ang simpatiya sa kanya ng publiko.

Scene : Missing in action sa mga event ng Calayan Surgicenter si Dra. Pie Calayan. Hindi na nakita si Dra. Calayan mula nang mabalita na may ipinaayos siya sa kanyang mukha.

Seen : Ang mga nakakagulat na rebelasyon tungkol sa mga artista at pulitiko na mababasa sa www.jamby2010.blogspot.com. Hindi tiyak kung may kinalaman si Senator Jamby Madrigal sa blogspot na gumagamit sa kanyang pangalan.

vuukle comment

BONG REVILLA

CALAYAN SURGICENTER

DONG PUNO

DOUGLAS QUIJANO

DRA

GRETCHEN BARRETTO

HERITAGE PARK

JAKE CUENCA

JAMBY MADRIGAL

JO ANN MAGLIPON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with