^

PSN Showbiz

Vina nagawa pang magpa-make up kahit bagong anak

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

 How nice naman of Mr. Tony Tuviera na supor­tahan ang anim na indie films na mapapanood sa Sine Direk. Hindi birong halaga ang inilabas niya pero, hindi pera ang umiral sa kanya kundi ang pagnanais na maisalba ang industriya ng pelikula.

Sana may iba pa tayong mga kasamahan sa industriya na may ganito ring kaisipan at sundin din ang napakagandang halimbawa na kanyang ipina­mamalas. Sana naman.

* * *

Kitang-kita ang kaligayahang nadarama ni Vina Morales sa pagsilang niya ng kanyang anak kamakailan lamang. Kung dati-rati ay mga pamangkin lamang niya ang pinagbubuhusan niya ng panahon, ngayon may sarili na siyang anak na kukuha ng kanyang atensyon at pagmamahal. Pero hindi nangangahulugan na mababa­wasan ang pagmamahal niya sa apat na anak ni Shiela at dalawa ni Sheryl, sa ngayon bilang bagong ina, ibubuhos muna niya ang panahon sa kanyang baby.

Kakatuwa nga si Vina, kahit nagli-labor na ay nagawa pang humingi ng pang-make-up nang magsimulang dumating ang mga TV crews. Di n’yo ba nakitang ang ganda-ganda niya sa TV screen and fully-made up? ‘Yun ang artista!

* * *

Nakatutuwa rin itong si Jennylyn Mercado. Nakita ko kasi ito at tinanong ko kung ano ang magiging reaksiyon niya sakaling manood si Patrick Garcia ng kanyang concert.

 “Eh di manood siya,” ang sabi niya.

Pinatid na talaga niya ang pisi na nag-uugnay sa kanila ng aktor. Mananatili ba itong putol hanggang sa lumaki ang kanilang anak? Paano kapag naghahanap na ang bata ng kanyang ama, ano ang sasabihin niya?

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

KAKATUWA

KANYANG

KITANG

NIYA

PATRICK GARCIA

SANA

SINE DIREK

TONY TUVIERA

VINA MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with