^

PSN Showbiz

Dahil kay Richard, Rally sa GMA 7 'di na itutuloy ni Annabelle

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Natawa si Annabelle Rama sa sinabi ng press na si Richard Gutierrez lang ang kanyang pina­kikinggan dahil ang actor ang humiling sa ina na ‘wag ituloy ang plinanong rally laban kay SVP for Enter­tainment TV Wilma Galvante.

“Kausap ko ang anak ko habang nagti-taping ng Zorro, alang-alang na lang daw sa kanya. Asikasuhin ko na lang daw ang mga talent ko total nasa Korte na ang kaso. Gusto kong makapag-concentrate siya sa taping kaya pumayag ako,” wika ni Annabelle.

Kaya sa halip na tungkol sa rally, ang launching na lang ng sariling perfume line ni Richard sa Bench na gaganapin sa Mall of Asia bukas at ang pagtang­gap nito ng Fr. Neri Satur Special Citation for Media & Culture this Friday, sa Malacañang Palace dahil gusto ni President Gloria Macapagal-Arroyo na siya ang magbigay ng citation sa awardees.

Gutz and Glory ang pangalan ng sariling perfume ni Richard at ang Gutz ay galing sa apelyido niyang Gutierrez. May damit din daw na ilo-launch si Richard, kaya double launching ito and no wonder, Big Bench event ang tawag.

Nabalitaan din naming si Richard ang nagpapaaral sa mga pamangking sina David (anak ni Rocky Gutierrez) at Diego (anak nina Ramon Christopher at Lotlot de Leon). Sa Colegio de San Agustin nag-aaral si David at ‘di pa tiyak si Annabelle kung matutuloy mag-enroll sa Ateneo si Diego na siyang gusto ni Richard.

* * *

Sa first week ng May na ang storycon ng afternoon soap nina JC de Vera at Heart Evangelista na Ngayon at Kailanman at para ’di na maulit ang nangyari sa storycon ng SRO Cinemaserye, sasamahan ni Annabelle Rama ang dalawang talent.

Ngayon lang yata uli pupunta sa GMA Network si Annabelle, pero malabong magkita sila ni Ms. Wilma Galvante. Para rin walang problema, bago ang storycon, makikipag-meeting si Annabelle kay Redgyn Alba, Senior PUM at in-charge sa series nina JC at Heart.

Remake ng Sharon Cuneta at Gabby Concepcion movie ang Ngayon at Kailanman at kailangang mag-training ng horseback riding si JC. Ito ang papalit sa Paano Ba Ang Mangarap? nina Jennylyn Mercado at Mark Herras na consistent na mataas ang ratings at kahit papaano, pressured sina JC at Heart na maging maganda rin ang ratings nito. 

* * *

Nasa Boracay para sa Goma Cup Reunion si Raymond Gutierrez nang ma-interview sa cellphone ni Jun Lalin. When asked kung anong masasabi sa demandahan nina Annabelle Rama at Ms. Wilma Galvante: “Nalulungkot ako, but it’s now a legal battle, nasa korte na,” ang nasabi nito.

Paalis si Raymond para magbakasyon sa Europe. Magkikita sila ni Anne Curtis, pero hindi sila magkasama sa buong trip nila. Binanggit nito ang Paris, London, Scotland at Italy sa ilang European countries na kanyang pupuntahan.

* * *

Kakuwentuhan namin si Tirso Cruz III sa presscon ng Only You at nalaman naming ang ginagamit na location ng ABS-CBN na mansion kunwari niya sa series ay ang Tanay residence ni former President Joseph Estrada. Nagulat nga raw siya na pumayag si Erap at natutuwa rin dahil sila ang unang nakapag-shoot dito.

Tinapos lang ni Pip ang Paano Ba Ang Mangarap? ng GMA 7, bago lumipat sa Channel 2. Lagi raw siyang nagpapaalam sa both networks kung may offer siya sa bawat isa para libre siyang nakababalik. Ang maganda, pareho niyang kaibigan ang executives ng two networks.

Naiwan sa Channel 7 ang anak ni Pip na si Bodie Cruz dahil eight weeks ang labas nito sa Zorro at happy sila ng asawang si Lyn Cruz dahil maganda at challenging ang role ng anak. Ang payo niya sa anak ay “prove yourself always” na ginagawa naman ng binata.

* * *

Friday sa All About Eve, ikatutuwa ni Katrina (Jean Garcia) ang pag-iiskandalo ni Alma (Eula Valdez) nang makita siya. Nang muling magkita sa MBS office, nag-away ang dalawa at walang balak mag-resign si Federico (Richard Gomez).

vuukle comment

ALL ABOUT EVE

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

ANNE CURTIS

BIG BENCH

BODIE CRUZ

MS. WILMA GALVANTE

NGAYON

PAANO BA ANG MANGARAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with