^

PSN Showbiz

Sa halagang P100,000, sikat na young actress nagpapabugaw

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

May nakapagbulong sa akin tungkol sa magandang young actress na may ginagawa rin palang milagro. Yung pagka-wholesome ng imahe na malayo sa tunay na katauhan dahil payag pala itong magpabugaw sa halagang P100,000 lang.

Siguro dahil sa hirap ng buhay ngayon at hindi naman tuluy-tuloy ang kita niya sa mga proyekto kaya pumayag na makipag-one night stand sa mayayamang negosyante.

* * *

Ang landi-landi talaga ni BB Gandanghari.

Feeling niya talaga ay isa siyang mujer na pagkaganda-ganda. Pinanindigan na niya na patay nang talaga si Rustom Padilla.

Pero para kay Mommy Eva, nami-miss niyang tala­ga si Rustom.

Naitanong namin sa kanya kung handa na ba siya sakaling may ipakilalang boyfriend si BB.

Sagot niya, ‘‘Huwag naman sanang dumating yun.’’

Pero tanggap na tanggap na niya si BB at nagbiro pa nga na magkamukha sila ng anak.

* * *

Ayon kay Marian Rivera, tama na muna ang ibang investment niya bukod sa pagpapatayo ng 12-door apartment sa Cavite dahil mas type niya na i-time deposit na lang ang kanyang perang kinikita. Tutal malaki rin naman ang interest na kikitain niya.

May naikwento itong eksena sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang na natulig siya sa lakas ng sampal ni Carmi Martin. Para kay Marian, ito na ang pinakamatinding sampal na inabot niya sa kanyang showbiz career. Pero hindi naman siya nagrereklamo, bagkus nasisiyahan dahil napaganda ng eksena.

 Hindi raw siya apektado sa pagpasok ng baguhang si Carla Abellana basta’t ang mahalaga ay pinagbubutihan niya ang trabaho.

* * *

Ang Friday the 13th ang nagpasimula sa isang bagong uri ng pelikulang horror na may tuwirang paglalahad ng karahasan diretso sa mukha ng manonood, na naibigan naman at tinangkilik sa buong mundo. Pawang blockbuster kasi ang Friday the 13th.

Malinaw na ang tatak ni Jason Voorhees at ang kanyang trademark na hockey mask ay naging bahagi ng kulturang modern pop.

 Ipinamamahagi ito ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.

Palabas na ngayon sa mga sinehan.

vuukle comment

AKING TADYANG

ANG BABAENG HINUGOT

CARLA ABELLANA

CARMI MARTIN

JASON VOORHEES

MARIAN RIVERA

NIYA

PERO

RUSTOM PADILLA

SOLAR ENTERTAINMENT CORPORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with