^

PSN Showbiz

Asawang sikat ng buntis na misis gustong magkaanak sa ibang babae

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Si Vavam Bereña ang magandang kapatid ng singer na si Gary, siya ang promotions director ng Rembrandt Hotel, bilang bahagi ng kanyang pakiki-PR para sa hotel ay madalas siyang nandun lang sa lobby coffee shop.

Saludo kami sa taong ito dahil kung tutuusin ay hindi niya naman kailangang magtrabaho, matatag ang sariling kumpanya ng kanilang pamilya sa linya ng chemicals, pero namamasukan pa rin siya.

Pansinin si Vavam dahil bukod sa maganda at matalino na siya ay nang-iim­bita pa ang kanyang mga damit. Parang palaging summer sa Pilipinas kung manamit si Vavam, bawal yata sa kanya ang magsuot ng damit na may manggas at takip sa likod, makaagaw-pansin ang kanyang dibdib.

May isang sikat na sikat na personalidad na nanliligaw kay Vavam, seryoso ito sa kanya, nung minsan ay nag-e-mail pa nga sa kanya ang taong ‘yun para lang sabihin na gusto na nitong magkaanak sila.

Nagulantang siyempre si Vavam, magkaanak? Paano na ang misis ng sikat na personalidad, napakataray pa naman at selosa nito. Hindi pinangarap ni Vavam na isang araw ay nasa harapan na ng Rembrandt ang misis ng sikat na persona­li­dad at inaaway siya.

Pero talagang ayaw siyang tantanan ng sikat na personalidad, type na type siya nito, niyayaya pa nga siya nitong manirahan na lang sa ibang bansa at ‘dun na raw sila magbubuo ng sarili nilang mundo.

Hanggang ngayon ay nanliligaw pa rin sa kanya ang sikat na personalidad, nagdadalantao na ang kanyang misis, pero ayaw pa rin nitong tigilan si Vavam.

Nung minsang may kamiting si Vavam sa coffee shop ay nakiupo sa kanila si Joy Gonzales, ang sinibak na road manager ni Gabby Concepcion, nagulat si Vavam dahil hindi naman sila personal na magkakilala nito.

May kakapalan ang mukha ni Joy, talagang feeling close ito, maya-maya ay binulungan nito si Vavam.

Na-shock ang promo director ng Rembrandt Hotel sa sinabi ni Joy, “Uutang sana ako sa iyo, 50 thousand, kailangang-kailangan ko lang ngayon,” sabi ni Joy kay Vavam.

Una ay hindi naman sila personal na magkakilala, nginingitian lang niya si Joy kapag nandun sa coffee shop, bilang tagapamahala ng promosyon ng hotel, kaya bakit siya uutangan nito?

Kung anu-anong kuwento na ang nilitanya ni Joy, magbabayad daw naman ito agad, kailangang-kailangan lang daw talaga nito ang singkuwenta mil nung mismong hapon na yun.

Sa marespetong paraan ay sinabihan ito ni Vavam na hindi naman siya maya­man, hindi rin sila magkakilala ng personal, kaya wala siyang maipapautang kay Joy.

Maya-maya ay sinabi ni Joy, “Sige, pautang na lang ng two thousand, kailangan lang ng anak ko.” Gulat na gulat man si Vavam ay wala na siyang magawa, inabutan niya na lang ng isang libo si Joy, hindi na utang yun kundi bigay na lang.

Nakakaloka itong si Joy Gonzales, pati taong hindi naman nito personal na kakilala ay inuutangan na nito, sa sobrang pagkabigla ay napatulala na lang si Vavam nung malaman na niya ang ginawa ni Joy kina Gabby at Mommy Rose Flaminiano.

* * *

Komento ng isang nakausap naming product manager ng isang malaking kumpanya, “Bakit ganun ang mga daliri sa paa ni ____(pangalan ng isang singer-actress), parang sampalok na bukol-bukol ang mga buto?”

Tawa kami nang tawa, hindi agad kami nakasagot, naalala kasi namin ang isang guwapong bagets actor na nagka-type sa singer-actress noon.

Talagang liligawan na sana nito ang singer-actress, pero aksidente silang nagkita sa isang shopping mall. Naka-sandals lang ang babae, kaya nakita ng bagets actor ang mga daliri niya sa paa, biglang tinabangan ang guwapong young actor.

Ganun din ang kanyang sabi, bakit daw bukol-bukol ang mga buto ng daliri sa paa ng singer-actress, sayang daw dahil malakas pa naman ang kanyang appeal.

vuukle comment

ISANG

JOY

JOY GONZALES

LANG

NAMAN

NITO

REMBRANDT HOTEL

SIYA

VAVAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with