^

PSN Showbiz

Dating road manager ni Gabby nangupit ng tseke kay Rose Flaminiano

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

May matinding problemang kinakaharap ngayon si Joy Gonzales, tiyahin ng dating child star na si Rose-Ann, biniktima niya sina Gabby Concepcion at Mommy Rose Flaminiano.

Si Joy ang pansamantalang naging road manager ni Gabby, pero sinibak na siya ng aktor, dahil sa halagang P116,000 na benta ng mga CD na hindi niya ibinigay kay Gabby.

Kahapon naman ay kausap namin si Melany Reyes, isang kababayan nating matagal na nagtra­baho sa Malaysia, roommate ito ni Joy sa inuupahan nilang bahay.

Nung mabasa nito na wala na pala si Joy kay Gabby ay ninerbiyos ito, may ipina-rediscount na tseke sa kanya si Joy, tseke yun ni Mommy Rose na ayon kay Joy ay talent fee ni Gabby.

 “Kailangang-kailangan daw kasi ng pera ni Gabby, kaya pinalitan ko naman. One hundred thousand ang amount ng check, October 15 ang date. Pero nung idedeposito ko na, pinigil niya ako, huwag daw muna.

 “Wala pa raw pondo ‘yun. Babayaran na lang daw ako ni Gabby ng hulugan, six payments daw. Kung ano-anong alibi ang sinasabi niya, pero huwag daw akong mag-alala, mababayaran din daw ako ni Gabby dahil meron siyang show sa Japan,” kuwento ni Melany.

Nagduda agad kami sa kuwento, malayo sa katotohanan ang sinabi ni Joy kay Melany na kailangang-kailangan ng pera ni Gabby, hindi magpapa-rediscount ng tseke ang aktor.

Para makatiyak kami ay ipina-fax namin kay Melany ang tseke, totoo ngang account yun ni Mommy Rose, pero pineke lang ang pirma ng prodyuser.

Napakarami na naming nakikitang signature ni Mommy Rose sa mga dokumento, pero ang rumehistro sa tsekeng ipinalit ni Joy ay ni hindi man lang lumapit kahit konti sa pirma ni Mommy Rose, halatang-halata na pineke lang yun.

Ang check number ng ipinalit ni Joy kay Melany ay 0051499, meron pa raw isang tseke rin ni Mommy Rose na ipinapalit sa kanya na singkuwenta mil naman ang halaga, pero hindi na nito kinuha.

* * *

Nag-usap sina Mommy Rose at Melany, nakita na rin ng prodyuser ang tseke, napakalayo ng pirma nun sa kanyang signature.

 “Iniisip ko ngayon kung paano niya nakuha ang check ko. Puwedeng nung magkakasama pa kami at inaasikaso ko si Gabby, pinahawakan ko sa kanya ang bag ko.

“Account ko talaga yun, nawawalan ako ng dalawang pilas ng tseke ngayon, sa ilalim siya pumilas. Pero napakalayo naman ng signature ko sa pirma sa tseke, halatadong forged lang,” reaksiyon ni Mommy Rose.

Ilang taon na ang nakararaan ay nakulong si Joy Gonzales dahil sa kasong estafa, pero sa kabila nun ay binigyan pa rin ito ng pagkakataon ni Mommy Rose, sa pangakong magbabago na ito.

Sabi sa amin ng isang kaibigan ni Gabby, “Nakausap ko na siya, wala siyang pinapapalitang check, hindi niya inutusan si Joy na magpalit ng kahit anong tseke.

 “Ang kailangang bayaran ngayon ni Joy, e, yung P116,000 na bayad sa 400 copies ng CD. Magtutulong sila Mommy Rose at Melany para kasuhan si Joy Gonzales, isang krimen ang ginawa nito kaya idedemanda ito ni Mommy Rose.

Sabi pa ni Melany, “Meron pa siyang isang inuuto-uto ngayon, si Princess Revilla, naririnig ko siya habang kausap si Princess, niyayaya niyang mag-business.

 “Kawawa naman siya, baka mabiktima rin siya ni Ate Joy. Niloko rin niya si Charmaine na friend ko, sa telepono naman, ang dami-dami niyang ginagawang kalokohan,” pahabol ni Melany.

Nakarating na kay Princess Revilla ang mga kuwento ng hokus-pokus ni Joy Gonzales, maawain nga si Princess, pero hindi naman ito uto-uto.

vuukle comment

GABBY

JOY

JOY GONZALES

MELANY

MOMMY

MOMMY ROSE

PERO

ROSE

TSEKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with