^

PSN Showbiz

Mag-inang Rosanna takot ipakita ang paa

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Kung kaguwapuhan ang pag-uusapan ay bulag na lang ang magsasabing may kulang pa sa itsura ng hindi na kabataan pero hindi pa rin naman katan­daang aktor na ito.

Nakapag-aral din siya sa exclusive school, kitang-kita naman yun sa coño niyang porma, mahilig siyang mag-Ingles.

Pero totoong-totoo ang kasabihan na hindi lahat ng spokening dollars ay ma­talino.

Marami na siyang nakakarelasyon, mga artista at non-showbiz, pero nakapag­tataka na lahat ng naka­relasyon niya ay merong reklamo, heto ang kuwento ng aming source.

“May kasyungahan ang aktor na yun, guwapo nga siya, pero kinapos naman siya sa utak. Nung minsang mag­punta sila ng mga katropa niya sa isang mala­yong probinsiya para mag-scuba diving, ang sabi ng isa niyang kasama, ‘O, walang iwanan, convoy tayo, ha? Hintayan lang tayo, dahan-dahan lang ang takbo!’

“Ang tanong ng guwapong aktor, ‘Saan yung con­voy? Malayo pa ba tayo dun?’ O, ’di ba naman syunga siya!” tawa nang tawang kuwento ng aming impor­mante.

Nagkaroon ng girlfriend na kolehiyala ang guwa­pong aktor na ito, kaya natural, Inglisera ang babae.

Nung minsang mag-attend sila ng party, nagka­trapik-trapik ang aktor papunta sa lugar, nauna na ang babae. Nung dumating siya sa party, malakas pa ang boses niya sa pagsasabi ng, ‘Pasensiya na, sobrang traffic kasi, nakakainis nga, na-late tuloy ako. Ikaw kasi, you did not waited for me, e!”

“Paulit-ulit pa niyang sinabi yun! Hiyang-hiya tuloy yung girl sa mga kaharap nila, naturingan pa naman siyang artista at coño pa ang porma, pero warak na warak ang English niya,” kuwento uli ng aming source.

Nung magkaroon siya ng karelasyong aktres ay talagang bantay-sarado ito sa kanyang pagsasalita, tinuturuan siya ng babae, kaya nabawasan ang kanyang mga bloopers.

“Napakadaling mahulaan kung sino siya, napa­kaigsi ng pangalan niya. Hango yun sa isang number!” humahagalpak pang kuwento ng aming impormante.

* * *

Sa kabila ng apat na buwan niyang pagdada­lantao ay magandang-maganda pa rin si Grace Adriano, anak ni Rosanna Roces, ang ama ng kanyang dinadala ay si Ahmir Faisal na mula sa Saudi Arabia ang pamilya.

Basta nasa bahay lang si Grace ay palagi siyang nakamedyas, pareho silang mag-ina, sa tagal na ng panahong dumadalaw kami sa kanila ay hindi pa namin nakikita ang mga paa ni Grace.

Sabi ni Osang, “Ano ka? Bago nakita ni Jolo (Revilla) ang mga paa ni Grace, ang tagal-tagal! Naka­sanayan na kasi naming magmedyas, basta natuyo na ang paa namin pagkaligo, medyas na agad ang isusuot naming mag-ina,” sabi ng aktres.

Nung minsan daw na nasa isang coffee shop si Marlon Bautista kasama ang kaibigan nito ay may nakita itong magandang babae, inginuso ni Marlon kung nasaan ang kanyang tinutukoy, pero tumayo ang magandang babae papunta sa kanya.

“Humalik sa akin! Sus, si Grace pala yung nakita kong magandang babae!” napapailing na sabi ni Marlon.

Napakadaldal naman ni Budoy, yaya nang yaya ang bata sa condo ng kanyang Lola Princess Revilla, magsi-swimming daw ito dun kasama ang kanyang mga tito at tita.

“Mula nung imbitahan siyang mag-swimming ni Princess sa condo niya, hindi na niya ako tinantanan, yaya na nang yaya, masyado talaga siyang mahilig sa tubig,” kuwento naman ni Osang.

Hindi na halos magkandaugaga ngayon si Osang sa dami ng umoorder sa napakasarap nitong chicken ham.

vuukle comment

AHMIR FAISAL

GRACE ADRIANO

LOLA PRINCESS REVILLA

MAG

MARLON

NUNG

OSANG

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with