^

PSN Showbiz

Aktor naka-jackpot nang layasan ang tamad na aktres

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Nung nagsasama pa ang isang aktor at ang isang aktres at pareho silang walang ginagawang pelikula ay hindi nahiya ang aktor na lumapit sa kanyang mga kasamahang artista para mag-demo ng kanyang produkto.

Nag-ahente ang aktor, kung anu-anong gadgets ang ibinebenta niya, sa mga taping ay pinupuntahan niya ang mga kasamahan niyang artista para lang i-demo sa mga ito kung gaano kaepektibo ang ibinebenta niyang produkto.

Maraming naaawa sa aktor, palihim silang nagkokomento, nilunok na raw ba ng aktor ang kanyang pride para lang sila mabuhay nang legal ng kanyang pamilya.

Sabi ng aming source, “Kailangan niyang gawin ‘yun dahil kung magtatamad-tamaran siya, mamamatay sila nang dilat ng wife niya at ng mga anak nila!

“E, nakita n’yo naman ang misis niya, walang pakialam sa buhay, palagi lang siyang natutulog sa maghapon, naghihintay lang siya ng dating!” sabi ng aming impormante.

Pagkatapos lang ng ilang buwan ay tuluyan nang naghiwalay ang mag-asawa, mas madalas na nasa aktor ang kanilang mga anak, ang aktres naman ay nakipagrelasyon sa iba.

Sa kanyang pagbebenta ng mga produkto ay may nakilalang babae ang aktor, humanga ito sa kanya, nagkapalagayan sila ng loob hanggang sa maging magkarelasyon na sila.

“Walang kaalam-alam si____(pangalan ng aktor) na napakayaman pala ng family ng girl, binigyan siya ng puhunan para makapagnegosyo, kaya maayos na maayos na ang buhay niya ngayon.

“May sarili na siyang kumpanya, hands-on pa rin siya, talagang hardworking yung lalaki. Ang ex-wife niya naman, hanggang ngayon, e, ganun pa rin ang buhay, parang hindi pa rin siya nangangarap, patulog-tulog pa rin pati ang kanyang career,” ayon sa aming source.

Mabait daw ‘yung babae, hindi nito pinipigilan ang aktor sa pagsusustento at pagpapaaral sa mga anak nila ng aktres, ang aktor mismo ang nagsabing meron palang pangalawang glorya.

“Kumusta naman ang lola mo? Ayun, namasukan siya sa isang company, account axecutive siya dun, pero iniiwasan naman siya ng mga katrabaho niya dahil palagi siyang nangungutang.

“Utang yun na wala nang bayaran, kaya iwas na iwas sa kanya ang mga officemates niya, baka kasi utangan na naman sila ng tamad na aktres na yun!” kuwento pa rin ng aming source.

Mabagal na lang ang takbo ng utak ng hindi makahuhula kung sino ang aktor at aktres na bida sa blind item na ito. ‘Yun na ang clue!

* * *

Paborito si Kim Atienza hindi lang ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong Veterinary Medicine, pati ang mga batang paslit ay aliw na aliw sa kanya, kilalang-kilala na si Kuya Kim kahit ng mga bata.

Isang tanghali ay ipinapalabas ang teaser ng Matang Lawin, ang makatuturan niyang programa tuwing Linggo ng tanghali sa ABS-CBN, nagulat kami dahil kahit ang bahagya pang umaangat sa lupa naming anak na si Bulak ay kilala na pala siya.

“Kuya Kim! Kuya Kim!” sabi ni Bulak, sabay turo sa TV. Tinawagan agad namin si Kim, ibinalita namin sa kanya na kahit pala ang mga batang wala pang kamalayan sa kanyang linya ay kilalang-kilala na siya, meron siyang komento dun.

“Alam mo, hindi ko rin alam, pero kahit mga bata, tinatawag ang pangalan ko. Wala pa silang knowledge sa mga animals, kahit nga sa weather forecast, hindi pa naman siguro sila masyadong attentive, pero nagugulat ako sa reaction nila kapag nakikita ako, “ kuwento ng magaling na TV host.

Sinabi namin sa kanya ang dahilan kung bakit. Kapag may bagyo kasi at hindi alam ng mga bata kung meron silang pasok o wala ay nakabantay sila sa TV para sa weather bulletin.

Kapag tinanong mo ang bata kung bakit wala silang pasok, ang mabilis at malinaw nitong isasagot, “Sabi ni Kuya Kim!”

‘Yun ang rason!

vuukle comment

AKTOR

KAPAG

KIM ATIENZA

KUNG

KUYA KIM

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with