^

PSN Showbiz

Pangangaliwa ng aktres bayad kay Mister; Nakabuntis kay Vina naghuhugas-kamay?

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Masalimuot ang pinagdaanang relasyon ng isang aktres at ng nakarelasyon niyang non-showbiz. Parang kuwento sa pelikula ‘yun, kung hindi mo sila kilala ay baka hindi mo paniniwalaan ang istorya, dahil parang walang lalaking makalulunok sa mga ganung sitwasyon.

Sikat ang aktres, ang nakarelasyon niya naman ay matalino, pero mas pinili nitong huwag nang mag­trabaho dahil para namang namumulot lang noon ng pera ang misis nito.

Baligtad ang kanilang sitwasyon, ang babae ang mag­hapon at magdamag na kumakayod, habang nag­pa­pasarap lang naman sa buhay ang lalaki.

Aminado naman ang aktres na marami siyang ginagawang milagro habang nagsasama pa sila ng lalaki, pero ang tanong ng bayan, paano nakakayang sikmurain ng lalaki ang mga ganung senaryo nang hindi man lang ito nagagalit at nasasaktan?

Isang source ang nagkuwento, “Bayad ang pana­nahimik niya, bayad ang pagtatanga-tangahan niya, bayad ang pag-ipot ng babae sa ulo niya,” makahulugan nitong sabi.

Makapangyarihan talaga ang pera, kapag nag­salita ito ay maraming nakikinig, sa bawat milagrong ginagawa ng aktres ay may katapat na halaga ‘yun para sa lalaki.

Mas maraming ginagawang milagro ang aktres ay mas nagkakapera ang lalaki, parang hindi totoo, pero totoong-totoong nangyari ang ganito habang nagsasama pa sila.

Hindi na namin bibigyan pa ng clue kung sino ang aktor na sangkot sa kuwento, naging karelasyon ito ng aktres, alam ng kanyang asawa ang mga nagaganap sa mismong tungki ng ilong nito.

“Nagpupunta ‘yung actor sa bahay nila, nagkikita-kita silang tatlo, alam nung mister ng aktres ang mga nangyayari. Pero bayad ang understanding niya, hindi for free ang lahat, binibigyan siya ng pera nung dalawa.

“Nakakaloka nga, kapag malapit nang dumating ‘yung aktor sa bahay nila, si lalaki pa ang nagpapaalala sa misis niya, ‘Maligo ka na, bilisan mong kumilos, susunduin ka na ni____(pangalan ng aktor na karelasyon ng aktres).’

“Agad namang mag-aayos na si babae, padating na nga kasi yung karelasyon niyang aktor, ang mister pa nga niya ang umeestima dun sa aktor kapag dumarating na sa bahay nila.

“Kapag paalis na ang dalawa, para nang alulod na nakasahod ang kamay ng lalaki, aabutan na siya ng datung nung aktor at ng misis niya, kinabukasan na uuwi ang misis niya dahil magdamag ngang kasama nung aktor,” kuwento pa ng aming source.

Nagkahiwalay rin ang aktres at ang asawa niyang non-showbiz, maraming naawa noon sa lalaki dahil lantad ang mga kalokohang ginagawa ng babae, pero iilan lang ang nakakaalam na bayad ang pagiging kaawa-awa ng lalaking yun sa mata ng publiko.

Ooooohhhh!!!!

* * *

Nasa Amerika ngayon si Vina Morales, kahit palaki na nang palaki ang kanyang tiyan ay kailangan pa rin niyang tuparin ang mga nasagutan nilang kompromiso noon, ganun ka-professional ang singer-actress.

Habang nasa ibang bansa si Vina ay pinagpi­pistahan naman dito ang mga litanyang pinakawalan ni Cedric Lee, ang itinuturong ama ng kanyang dina­dala, ayon sa negosyante ay hindi ito ang ama ng bata dahil pamilyado ito.

Ganun lang kasimple ang paghuhugas-kamay ng lalaki, pamilyado raw ito, na para bang ngayon lang naganap sa mundo ng lokal na aliwan ang pag­da­dalantao ng isang artista na pamilyado ang lalaking dapat managot sa responsibilidad.

Sa pakiramdam namin ay plano na ito, inupuan na ni Vina at ng lalaki, sa ngalan ng pag-ibig ay mara­ming nilulunok ang tao at nakapagsisinungaling para lang huwag silang magkahiwalay.

May pinagdadaanang proseso ng annulment ngayon ang lalaki at ang misis nito, kaya kesa sa usaping-showbiz, mas naniniwala kami na kailangan ang mga ganung deklarasyon ng lalaki para sa legal na aspeto.

vuukle comment

AKTOR

AKTRES

CEDRIC LEE

LALAKI

LANG

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with