^

PSN Showbiz

Jomari ipo-produce ng Valentine show sina Martin at Pops

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ang pagpo-produce pala ng pre-Valentine concert nina Pops Fernandez at Martin Nievera ang sinasabi ni Jomari Yllana na big project na gagawin niya next year. Sa interview namin sa actor-turned TV host (host siya ng Philippines’ Scariest Challenge sa TV5), may binanggit itong project na sasabihin lang daw niya sa right time at dahil walang clue na ibinigay, akala namin may kinalaman sa napakarami niyang negosyo.

Hanggang sa may makapagsabi sa amin na magiging concert producer na rin si Jomari at ang unang sabak nito’y ang pre-Valentine concert ng girlfriend niyang si Pops at ex-husband nitong si Martin. Wala pang venue at wala pa ring title ang concert na naka-schedule sa February 6, 2009. Ang ganda sigurong tingnan ng tatlo sa iisang lugar na magkakasama.

Sa TV lang busy si Jomari ngayon, pero may pinaplano raw silang pelikula ni Dondon Monteverde na sikreto pa rin na hopefully, magawa next year. Mas focused siya ngayon sa maraming negosyo na sunud-sunod na bubuksan at isa rito ang race track sa Clark at cold storage na sa Clark din niya inilagay.

* * *

Isa sa mga members ng cast ng Luna Mystica na haharap sa presscon ng fantasy-drama mamayang gabi ay ang Survivor Philippines castaway na si Jace Flores. Kasama siya sa cast at gaganap sa role ng rich town bully na si Lucas Meneses at bilang paghahanda, nag-acting workshop ang binata na this week pa sasalang sa taping.

Hindi problema kay Jace kung bad guy role ang ibinigay sa kanya sa una niyang teleserye’t wala raw naman siyang ambisyong magbida. Nagulat nga siya nang mag-offer sa kanya ng acting vehicle dahil singing at dancing ang talent niya and of course, magturo kung paano magka-muscle ang gustong maging hunk dahil gym instructor siya.

Mas kilala si Jace bilang Tattoo Man dahil sa maraming tattoo sa katawan at may istorya ang mga tattoo niya ha! Yung sa left shoulder ay Polynesian tribal daw ’yon, may Maui at Samoan din dahil matagal siyang tumira sa Hawaii. Iyong tattoo niya sa chest, Flores (apelyido niya) ang ibig sabihin, sa right shoulder Hawaiian island mix with Japanese Koi for goodluck daw, at sa side torso ay Hawaiian God na guardian daw niya. May tattoo pa siya sa batok na hindi namin natanong kung ano ang ibig sabihin.

* * *

Ipinagmamalaki ni Janno Gibbs ang 10 kids na kasama sa new season ng Kakasa Ka Ba sa Grade 5? Dahil pare-parehong magaling. Pati nga siya napahanga nang isa-isang magsalita at ikuwento nina Bea Larin, David Omilla, Cyb Cruz, Matt Oronce, Brian Alvarez, Pauline Abalos, Louis Luthy, Ram del Mundo, Kaye Pavino at Kassel Garcia ang kani-kanyang achievements para masali sa show na tutulong sa mga contestants na manalo ng P1 million.

Sa Sabado, November 15, na ang pilot ng “quiz bee” sa GMA 7, after Pinoy Records with Marvin Agustin as its first contestant. Sa dulo ng episode, lalabas si Karylle as the second contestant at extended ang labas niya hanggang November 22. Isa ang guesting ni Karylle sa Kakasa Ka Ba…, kaya hindi agad siya makakalipat sa ABS-CBN.

Dream contestants ni Janno sina Joey de Leon at Ogie Alcasid dahil bukod sa parehong matalino, komedyante ang dalawa at sigurado raw na masaya sa set. Sa presscon, masayang ibinalita ni Janno na pumayag na sina Joey at Ogie na mag-guest at schedule na lang ang inaayos.

Samantala, itsinika ni Janno na wala ng problema sa pagsasama nila ni Bing Loyzaga. Ang description nga nito sa estado nila’y “mag-asawang-mag-asawa kami ngayon, dati friends lang at umabot pa sa hiwalay kami ng kuwarto.” Kaya ayaw nitong ma-link sa kahit kaninong babae ngayon at ayaw masira ang magandang relasyon nilang mag-asawa.

* * *

Sa Gagambino, nagalit si Abresia (Jean Garcia) nang matalo ang mga kampon niyang kulisap at naisip ang mga batang pumasok noon sa Tierra Higanta.

Tinutulan nina Bino (Dennis Trillo) at Berna (Isabel Oli) ang balak ni Lucy (Katrina Halili) na magbuo ng grupo ng super heroes dahil ’di pa sila handa. Malalaman ni Divina (Jean) kay Celine (Nadine Samonte) na sinabi ni Harold (Polo Ravales) na may alagang gagamba si Bino at lalo siyang magdududa.

vuukle comment

BEA LARIN

BING LOYZAGA

BRIAN ALVAREZ

CYB CRUZ

DAHIL

DAVID OMILLA

JANNO

KAKASA KA BA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with