^

PSN Showbiz

Dalawang Aktor Pareho Ang Naging Kapalaran Sa Insecure Na Aktres

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Sa liit ng mundo ng showbiz, isang araw ay siguradong magkikita rin ang dalawang aktor na nakarelasyon ng isang magandang aktres. Maa­asa­han na natin ang kanilang pagkakantiyawan, sasa­bi­hin siguro ni Actor A na unang nakarelasyon ng young actress, “Don’t tell me I didn’t warn you!”

Yuyuko lang siguro si Actor B, mapapailing, saka niya sasabihin na oo nga, dapat pala’y pinakinggan na niya noon ang payo ng kanyang mga kaibigan na mag-ingat siya, dahil hindi madaling pakisa­mahan ang batang aktres.

Ang naging karanasan ni Actor A sa young actress ay naranasan din ni Actor B, napakagulo ng takbo ng kanilang relasyon, palagi rin silang nag-aaway dahil masyadong selosa at insecure ang babae.

Ang ipinagtataka ng marami ay kung bakit pa inaatake ng kawalan ng tiwala sa kanyang sarili ang young actress, samantalang maganda naman ito, matalino rin naman at may career.

“Maligalig ang babaeng yun, palagi niyang ina­a­way ang mga nakarelasyon niya, parang kaawa-awa ang tingin niya sa kanyang sarili, e hindi naman siya nakakaawa!” sabi ng isang source.

Kung makapagsasalita lang si Actor A, siguro’y makahihinga nang maluwag si Actor B, ang young actor kasi ang sinisisi ngayon ng marami tungkol sa kanilang break-up ng young actress.

Kahit ang mga taong nakasaksi sa relasyon ng young actress at ni Actor A ay napapailing na lang, lihim ding napapangiti ang mga ito, alam kasi nila ang pinagdadaanan ngayon ni Actor B.

“Naku, siya ang palalabasing masama ng babae, ganyan din ang ginawa niya noon kay ____(si Actor A), wala nang pinakamasamang tao nun sa mundo para sa kanya kundi ang ex niya,” dagdag ng aming source.

Maginoo lang kasi si Actor B kaya ayaw na niyang magkuwento pa, kung isa-isa lang niyang sasabihin kung gaanong sakripisyo ang pinagda­anan niya habang sila pa ng babae, siguradong mabubura ang pangit na impresyon sa kanya ngayon ng maraming taga-showbiz pati na ng publikong nakakabasa ng mga akusasyong ipinupukol sa kanya tungkol sa paghihiwalay nila ng batang aktres.

“Gentleman yun, hindi bale nang siya ang mapuruhan, pababayaan na lang niya yun. Ang katwiran niya kasi, one day, lalabas din naman ang totoo,” kuwento ng aming source na malapit sa aktor.

Ay sus, ginoo naman! Napakakumplikado pala ng babaeng yun, meron pa kayang magtatangkang manligaw o makipagrelasyon sa kanya, kung ganyan ang mga kuwentong naglalabasan?

* * *

Naniniwala si Becky Aguila na hindi lang isang tao ang kasangkot sa nangyaring pamemeke ng kanilang signature ni Jennylyn Mercado, matindi ang kanyang kutob na dalawa hanggang tatlong tao pa ang nakasama ni Mel Pulmano sa mga pinagagagawa nito sa kanila, dahil napakarami pang naglalabasang tseke ngayon na diumano’y ipina-rediscount nila ni Jennylyn.

Bukod dun ay meron pang mga dumarating na sulat sa kanyang opisina, naniningil ang mga yun, iniimbestigahan na nilang mabuti ng kanyang abogadong si Attorney Joji Alonso kung pati ang mga papeles ng kanyang opisina ay nagawa ring i-forge ng ilang tao.

Masalimuot ang kasong ito, padagdag na nang padagdag ang mga karakter sa istorya, naglalabasan na ang mga himala, kailan lang ay may nagpadala ng demand letter kina Becky at Jennylyn para sa kanilang mga pagkakautang na agad namang sinagot ni Atty. Alonso, dahil nung tingnan nila ang mga tsekeng ipinalit ni Mel ay pineke lang pala ang kanilang mga signatures.

One hundred fifteen thousand (P115,000.00) ang halaga ng tseke ni Becky, ang kay Jennylyn naman ay one hundred ten thousand (P110,000.00), sila ang sinisingil ng rediscounter samantalang ayon kay Becky ay hindi naman sila ang gumamit ng pera at pinekeng pirma lang nila ni Jen ang nakasulat sa tseke.

“Ang dami-dami pa sigurong lalabas, that’s the reason why inuna muna namin ang criminal case, ito ang warning namin sa mga naka-transaction ni Mel using our forged signatures,” pabuntong-hininga na lang na nasabi ni Becky Aguila.

vuukle comment

ACTOR

ACTOR A

ACTOR B

BECKY

BECKY AGUILA

JENNYLYN

LANG

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with