^

PSN Showbiz

Rachel at Aiza instant milyonarya sa SB

-

May tatlong players na ang naging milyonaryo matapos hulaan ang tamang lyrics ng mga kanta sa nangungunang primetime game show sa bansa na  The Singing Bee.

 Nanalo si Aiza Seguerra ng tumataginting na P2.08M sa dalawang magkasunod na pagkapanalo at tumanggi nang ipagtanggol muli ang titulo bilang  The Singing Bee champion.

“Promise ko rin sa sarili ko yun na kapag nakuha ko yung milyon, tama na.  Good thing na mahilig akong kumanta kaya nataon lang na nanalo ako,” sabi ni Aiza.

Noong isang linggo, si Rachel Alejandro ang nagwagi ng P1 million.

“I just feel so blessed. It’s not just about the money din kasi this has a personal impact to me. With all the things going wrong in my life, I now have a reason to believe na di ako malas,” sabi niya.

Sa mga regular players naman, tanging si Steno Padilla lang ang pinalad na manalo. Naging edge para sa 21 taong gulang na journalism graduate ang kanyang pagkanta sa mga videoke bars at panonood ng music channel na MYX.

“Di naman talaga ako nagpractice. Suwertehan din po kasi talaga sa The Singing Bee kaya wala po talagang makapagsasabi kung ano ang dapat.”

Mapapanood ang The Singing Bee weekdays hosted by Cesar Montano, pagkatapos ng TV Patrol World. Ang Singing Bee ay extended pa hanggang August 5. 

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ANG SINGING BEE

CESAR MONTANO

PATROL WORLD

RACHEL ALEJANDRO

SINGING BEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with