^

PSN Showbiz

Nang sumikat Aktres inisnab ang tatay ng ex-BF

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Talaga nga palang ang laki ng ipinagbago ng sikat na sikat na aktres na ito.

May nakapagkwento sa akin na noong mag-boyfriend pa sila ng aktor ay magiliw ito sa kanyang ama. Nababaitan ang father ng aktor sa aktres at botong-boto talaga sa kanya kahit ’di pa siya gaanong sikat noon.

 Kaso nagbago ang ihip ng hangin nang biglang sumikat ng husto ang aktres kung saan lumaki rin ang ulo nito dahil sa malaking tagumpay na tinatamasa nito.

Minsan ay naisipan ng ama ng ex-boyfriend niya na dalawin sa teyping ang aktres dahil may kasama itong mga kaibigang balikbayan. Siyempre sa pag-akalang malakas siya sa aktres ay panay ang pagmamalaki nito sa mga kaibigan. Kaso nang dumating sila ro’n ay waring ’di pansin ng aktres ang ama ng ex-bf at dinaan-daanan lang ito kaya napahiya siya sa mga kaibigang balikbayan. Akala niya ay makikipagbeso-beso ito sa kanya na dati niyang ginagawa.

Nag-request pa itong magpakuha sila ng mga pictures pero inisnab ng aktres ang fadir ng ex-boyfriend at sinabing magre-resume na ang teyping gayung nakikipagkwentuhan lang ito sa staff.

Ayon pa sa aking source nagtampo nang husto ang ama ng ex-bf dahil sa malaking pagbabago ng sikat at magandang aktres.

* * *

Inamin ni Richard Gutierrez na masarap magluto si Heart Evangelista na pinakamahalang trait na hinahanap nito sa isang babae. Nagdadala pala ito minsan nang pagkaing kanyang niluto sa set.

 “Paano mo ikukumpara sa Heart sa ulam?” tanong ng mga press people, “Para sa akin isa siyang Spanish dish na sweet and spicy. Kung sa prutas naman, para siyang strawberry,” sey ng aktor.

 At ang ipinagmamalaki ni Richard, may bagong martial arts na gagamitin sa Code Name: Asero, ang tap­wondo – isang Pinoy mar­tial arts na parang combat aikido.

“Panahon pa ng Ka­mandag ay inihahanda ko na ito sa tulong ni Ralph Roxas. Excited na ako sa mga action scenes lalo pa nga at nabigyan ako ng pagkakataon ng GMA 7 na maging fight director sa action-adventure na ito. Isa sa aabangan dito ay ang car chase sa disyerto at nahirapan ako dahil madulas pala ang buhangin,” dagdag pa ng aktor.

vuukle comment

AKTRES

CODE NAME

HEART EVANGELISTA

KASO

RALPH ROXAS

RICHARD GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with