^

PSN Showbiz

Francine madalas ka-date ni Konsehal

- SEEN SCENE -

SEEN: Mga artista na maganda at guwapo ang itsura sa personal: Agot Isidro, Pekto, John Feir a.k.a Tita Bellie Flores, Vhong Navarro, Desiree del Valle, AiAi delas Alas, Kitkat, Archie Alemania, Paolo Contis, Isabel Oli at Vic Sotto.

SCENE: Sobra ang dami ng halikan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa huling episode ng Marimar. Mapalad si Dingdong sa pagkakaroon ng girlfriend na hindi selosa.

SEEN: Nag-iilusyon si Jiro Manio nang sabihin nito na magpapahada siya sa gay sa halagang P50 million. Walang bading na magbabayad kay Jiro kahit P50 K lang ang kanyang sinabi na presyo.

SCENE: Si Marvin Agustin ang gusto ng nakararami para maging kapalit ni Gabby Concepcion sa pelikula ng GMA Films na kanyang tinanggihan. May chemistry daw ang Marvin-Jolina Magdangal team-up kesa Dennis Trillo-Jolina.

Kasado na ang Dennis-Jolina movie na kukunan sa Europe. Kung si Marvin ang ipinalit kay Gabby, magmumukhang part 2 ng I Love New York ang proyekto dahil kasama rin sa cast si Mark Herras.

SEEN: Dalawa ang masugid na manliligaw ni Francine Prieto, si Philip Cu-Unjieng at ang konsehal ng Maynila na si Edward Maceda. Madalas na nakikita na magkasama sina Francine at Edward.

SCENE: Sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang 2007 Box-Office King & Queen ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation. Walang nag-protesta dahil iilan na lamang ang sumeseryoso sa mga award-giving body sa Pilipinas.

SEEN: Regular client ng isang computer game shop sa Tomas Morato si Aleck Bovick. Walang pinipiling oras sa paglalaro si Aleck. Sino ang nag-aalaga sa anak nila ni Carlo Maceda?

Mataba pa rin si Aleck. Kung pagpunta sa gym at hindi ang computer games ang pagkakaabalahan niya, siguradong mababawasan ang kanyang katabaan.

vuukle comment

AGOT ISIDRO

ALECK

ALECK BOVICK

ARCHIE ALEMANIA

BEA ALONZO

BOX-OFFICE KING

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with