^

PSN Showbiz

Banal muntik nang bigyan ng X rating ng MTRCB

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Masaya na si Ina Alegre sa R-13 rating without cuts na ibinigay ng MTRCB sa Banal, kahit limitado pa rin ang audience nito. Mas maganda na ito kesa X rating na dapat nakuha ng pelikula kundi pinakinggan ang kanilang argumento.

Sabi ni Ina, naging maingat si direk Cesar Apolinario at lahat ng involved sa excution ng mga delikadong eksena at walang makikitang dugo. Ang story ng movie ang isa sa pinagtalunan at may mga eksenang sobrang nakakatakot.

Pagkatapos ng hassle, nakakangiti na si Ina at ipinang-iimbita ang press preview nito’t ‘di raw magsisisi ang press sa mapapanood. Very much satisfied siya sa first venture ng ComGuild Productions at lampas sa 100 percent ang rating niya rito.

Sa sinabi niyang ito, lalong gusto na naming mapanood ang pelikula na first time lang naming mapanood ang trailer ay gusto na namin. Kakaiba ang mga shots nito at ang texture at Hollywoodish ang dating sa amin.

Inihahanda na ng ComGuild ang kanilang second movie, ang Sais na gagawin nilang animation at sina Paolo Contis at Alfred Vargas din ang dalawa sa mga bida. Wala pa itong director, pero nabanggit na ni Ina na American director ang hahawak nito at foreign actress ang leading lady.

* * *

Sayang at wala si Paolo Contis sa presscon at hindi narinig ang mga papuri ng kanyang producer at ni Christopher de Leon. Bumilib si Ina Alegre sa actor dahil walang double sa torture scene at kahit nauuntog ang ulo sa pinagpakuang krus at inilulublob sa drum ng tubig, walang narinig na reklamo sa kanya.

Tanggap ni Boyet kung mano-nominate na best actor si Paolo at siya ay supporting actor, dahil talagang supporting role ang kanyang ginampanan. Nagustuhan lang niya ang role ni Major Miguel Sagala at kahit hindi ‘yun ang original role na in-offer, ‘yun ang pinili.

Ipinagmalaki rin ni Boyet na realistic lahat ang mga eksenang mapapanood sa Banal, gaya ng training, dahil totoong SWAT members ang kanilang kasama. Sa training niya natutunan ang right way to fire a gun, ang tamang assault at pati proper uniform ng mga pulis.

Sa January 1, 2008 na ang showing ng Banal.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

BOYET

CESAR APOLINARIO

INA

INA ALEGRE

MAJOR MIGUEL SAGALA

PAOLO CONTIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with