^

PSN Showbiz

Sino ang mamamatay sa Bakekang?

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Isang linggo na lang sa ere ang Bakekang at marami ang mangyayari mula bukas, March 26-30. Tama ang naisulat naming sa pagtatapos ng teledrama ay isa sa major character ang mamamatay at may clue kung paano at kung sino siya sa taping ng showdown nina Kristal (Lovi Poe) at Karisma/Charming (Yasmien Kurdi) na ginawa sa AFP Theater. Spoiler ito, pero si Valeria (Sheryl Cruz) ang papatay sa major character na ito.

Hindi naman puro lungkot ang wakas ng teledrama dahil may tuwa ring kapalit dahil may ikakasal. Ito ang ‘di pa namin puwedeng isulat, pero matutuwa at kikiligin ang may gusto sa kanilang tambalan at gusto silang magkatuluyan.

Tinanong namin sina Lovi at Yasmien kung ano ang gusto nilang ending ng teledrama kung sila ang masusunod?

Sabi ni Lovi: "I love the way it’s gonna end at tama sa akin ang ending, it’s very dramatic. Secret kung sino ang mamamatay. You have to watch it."

Sagot ni Yasmien: "Huwag kayong bibi taw sa natitirang five days ng Bakekang dahil maraming surprises. Pag-uusapan ang magiging ending nito."

Isa sa ikinalulungkot ng dalawa sa pagwawakas ng teledrama ay mami-miss ang mga kasama nila sa cast. Wish nilang muli silang makatrabaho sa future projects nila. Hindi pa alam ni Lovi ang next TV project niya, pero si Yasmien ay may LUV Pow at Hokus Pokus na extended na naman.

Hindi nasagot ni Lovi kung bakit biglang nawala sa istorya ng Bakekang si Cogie Domingo at wala rin ito sa taping sa AFP Theater. Itinanggi nitong break na sila dahil never daw silang umamin. Later on, sinabing sa business nagpu-focus ang actor kaya nawawala sa eksena.

Samantala, sa hindi makakapanood ng ending ng Bakekang, may replay ito sa April 2-4 bago pumasok ang Lupin sa Apr. 9.
* * *
Malalaking Kapuso stars, P10,000 cash prizes na ibibigay sa viewer ng participating program, big production numbers at biggest winners sa StarStruck 4 The Next Level ang hatid ng GMA-7 sa kanilang SUMaMer Ka Na Kapuso! Lahat ng ito’y, mangyayari sa Marikina Sports Park, Marikina City.

Show starts at 11:45AM sa SOP kung saan guest ang cast ng Bakekang at Lupin para sa grand finale and launching of the two shows respectively. Susunod dito ang motorcade ng cast ng dalawang shows at magkikita sila sa S Files.

May premiere rin ang Philippine Agenda, the country’s most important and most comprehensive election program. Hintayin din ang announcement kung sino sa Final 6 ng StarStruck 4 ang mananalong Ultimate Hunk, Ultimate Sweetheart at Ultimate Loveteam. Ang Final Judgement ay mapapanood 9:30 p.m., after All Star K!

ALL STAR K

ANG FINAL JUDGEMENT

BAKEKANG

KUNG

LOVI

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with