Sina Sam at Anne na!
February 1, 2007 | 12:00am
May namumuo nang relasyon kina Anne Curtis at Sam Milby dahil may isang kaibigang taga-showbiz na nakakita sa kanilang dalawa sa Powerplant Mall sa may Rockwell kamakailan.
Sweet na sweet ang dalawa at wala silang kasamang barkada o kaibigan. Nabuo ang relasyon ng dalawa sa seryeng Maging Sino Ka Man. Akala pa naman namin ay seryoso ito kay Toni Gonzaga pero biglang nabaling ang pansin sa mestisang aktres. At balitang nagpasabi na ito kay Toni tungkol sa kanila ni Anne, ayon sa isang source.
Sinabi ni Ella na libangan niya ang manood ng sine lalo na yong pambata. Nag-enjoy siya sa panonood ng Charlottes Web dahil kahit mga hayop ay pinahahalagahan pa rin ang pagkakaibigan.
Si Ella ang gumanap na batang Angel sa Asian Treasures at visible din sa mga TV guesting sa GMA 7.
Masaya si Ihman dahil naipakita niya ang reyalidad ng buhay sa Troika na kapupulutan ng magandang mensahe ng mga manonood.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended





















