^

PSN Showbiz

20 ang fight scene ni Zsazsa sa Zaturnnah!

-
Inamin ni Zsazsa Padilla na nahirapan siya sa pagsabak sa mga action scenes sa Zsazsa Zaturnnah Ze Moveeh. Nag-hire pa ang Regal Entertainment ng fight instructor mula sa Singapore gayundin si Lester Pimentel para turuan siya ng mga fight routines.

"Wushu yung ginamit kong fighting style na ala-Jet Li sa paglaban sa mga giant palaka, mga holdaper, amasona, zombies. Limang araw din ang inabot ng fight scenes namin ni Pops Fernandez.

"Nasira ang balat ko at di nagpantay ang kulay nito dahil sa mga bakbakan. Ang hirap mag-aksyon," aniya.

Dalawampu lahat ang fight scenes nila ni Pops na kinunan ng buong araw. Gumamit din si Zsazsa ng flying harness para sa mga delikadong stunts.

Ang pelikula ay mula sa direksyon ni Joel Lamangan.
Keempee, Asian TV Award Nominee
Inamin ni Keempee de Leon na ayaw na muna niyang ituon ang pansin sa panliligaw dahil maganda ang takbo ng kanyang career ngayon. "Masaya ako kung sila na nga nina Marvin Agustin at Pauleen Luna. Mabait naman sa akin ang mga magulang ni Pauleen kaya lang di ako pinalad dahil bata pa siya nang ligawan ko," sey ni Keempee.

Natutuwa ang aktor dahil first time nilang magkasama ni Manilyn Reynes sa Shake, Rattle and Roll 8 sa episode na LRT.

"Naging mag-on kami ni Mane for 4 months after nila ni Janno Gibbs. Kaya magiging maganda ang working relationship namin dahil may pinagsamahan kami."

Excited na ang aktor dahil nominado siya sa Asian TV Award sa Singapore bilang Best Actor in a Comedy Role para sa Bahay Mo Ba To!

Tinukso namin si Keempee na wala pa ring asawa si Vina Morales na nakarelasyon din niya noon.

"Hindi kaya kayo rin ang magkatuluyan sa bandang huli?" tanong namin.

"Okey lang kung kami ang itatakda ng tadhana pero ayaw ko ng manligaw ng bagets," dagdag pa nito.

vuukle comment

AWARD NOMINEE

BAHAY MO BA TO

BEST ACTOR

COMEDY ROLE

INAMIN

JANNO GIBBS

JET LI

JOEL LAMANGAN

KEEMPEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with