^

PSN Showbiz

P1.4M ang halaga ng singsing na bigay ni Jeremy kay Alex!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nakakwentuhan namin si Alessandra de Rossi sa presscon ng Linlang (Now And Forever Season 6) at kinamusta namin si Jeremy Marquez sa kanya.

"Pinabura ko na ang mga number na di kailangan sa cellphone niya at noong June 20 ay nag-one year anniversary na kami. Binigyan niya ako ng second ring at nangakong hindi na siya mambababae," aniya.

Ang ikalawang singsing na bigay nito sa kanya ay nagkakahalaga ng P1.4M.

Sinabi niyang ayaw na niyang makipag-usap kay Jennylyn Mercado.
Saludo Kay LT!
Mahihirap ang mga eksena ni Lorna Tolentino sa Linlang ng Now And Forever 6.

Sabi nga ni Direk Mac, "Sa isang salita lang ay nagkakaintindihan na kami ni Lorna. Napaka-professional niya at di marunong magreklamo kahit nung kinunan ito habang umuulan. Paulit-ulit ang take and to think, nagsimula kami ng 8NU hanggang madaling araw pero buong husay niyang ginampanan ang kanyang karakter. Hindi ako magtataka kung bakit hanggang ngayon ay nariyan pa rin siya," paliwanag ni Mac.
Bagets Na Parents Sa Sis
Bukas ay tungkol sa pagiging batang magulang ang pag-uusapan sa Sis. Makakasama ang mga artistang sa kanilang murang edad ay naging mommy at daddy na tulad nina Valerie Concepcion, Sherwin Ordoñes, Alvin Aragon, Harlene Bautista at Romnick Sarmenta.
Idol Ang May Originality Sa ABC
Ang latest sa Philippine Idol na magsisimula ngayong July 30, 8NG, 169 daw ang napili ng mga judges na sina Ryan Cayabyab, Pilita Corrales at Francis Magalona across the country para sumabak sa live theater elimination sa CCP kung saan ang host ay si Ryan Agoncillo.

Sa kabilang banda, bongga ang ginawang pagdiriwang ng ABC 5 kung saan binigyang halaga ang mga press people sa singing contest, pa-raffle at iba pang pakontes.

Kaya nagreklamo ang kaibigang si Crispina Belen na talaga naman stunning sa kanyang black outfit dahil hindi umikot sa ballroom ang judge na si Renee Salud para sa Star of the Night. Marami siyang nalampasan lalo na sa hulihang mga mesa na deserving para maging finalist sa Star of the Night kundi man nanalo sa kategoryang ito.

vuukle comment

ALVIN ARAGON

BAGETS NA PARENTS SA SIS

CRISPINA BELEN

DIREK MAC

FRANCIS MAGALONA

HARLENE BAUTISTA

IDOL ANG MAY ORIGINALITY SA

JENNYLYN MERCADO

STAR OF THE NIGHT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with