^

PSN Showbiz

Bf ni Aiai, nag-alsa balutan, umalis na ng bahay niya!

-
Aminado si Aiai delas Alas na nalungkot siya nu’ng umalis ang boyfriend niyang si Jun Hinahon sa bahay niya sa Capitol Hills last Thursday dahil maski papaano raw ay minahal niya ito. 

Ilang buwan palang ay halos ipagsigawan niya sa buong mundo na ikakasal na sila ni Jun at maski na sino pa ang pumigil this time ay hindi na magtatagumpay pa.

Ito ang pangako niya sa sarili niya na once na bumalik na siya ng Pilipinas after the series of shows sa Amerika ay aasikasuhin na niya ang kasal nila ng boyfriend niya at kung hindi sana na-call off ay ngayong Nobyembre mangyayari ang simpleng kasalan. 

"Me nakita akong problema na hindi kami magkakasundo, actually, matagal ko nang napansin ‘yun, pero tinanggap ko, sabi ko, siguro in due time, maaayos din, pero hindi pala, kaya hindi ko na pinatagal pa kasi baka mas lalong masakit kapag lumalim na ng husto ang pagsasama namin. 

"Pasalamat na lang ako at hindi ako buntis, dahil kapag nagkataon, malaking problema ‘yun," esplika ni Aiai sa amin. 

Paalala namin kay Ms. A na tiyak na katakut-takot na reaksyon na naman sa kanya dahil baka isiping gumimik na naman siya dahil nakipaghiwalay siya for the nth time na parati niyang sinasabing ikakasal na siya ay heto’t ipinagsisigawan niyang walang kasalang mangyayari. 

"Oo nga alam ko na ganu’n ang iisipin nila, e, hayaan mo na ang ibang tao, wala naman silang alam sa mga nangyayari sa akin, ilan lang naman ang nakakaintindi sa akin," katwiran ng komedyana. 

Kailangan pa bang gumimik ng komedyana e, kumita na naman ang Kapag Tumibok Ang Puso at sa katunayan ay ngayong araw ang victory party. — REGGEE BONOAN

vuukle comment

AIAI

AMERIKA

AMINADO

CAPITOL HILLS

JUN HINAHON

KAPAG TUMIBOK ANG PUSO

MS. A

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with