^

PSN Showbiz

Willie, Maricel, aprub sa Meryll/Bernard tandem

RATED A - Aster Amoyo -
Larawan ng ‘woman in love’ ang panganay ng TV host-comedian na si Willie Revillame na si Meryll Soriano na kulang na lamang ibando sa buong mundo kung gaano siya ka-in love ngayon.  Siyempre pa, ang masuwerteng lalaki ay walang iba kundi si Bernard Palanca.

Wala umanong tutol ang ama ni Meryll na si Willie sa pag-iibigan ng dalawa, ganoon din naman ang favorite aunt ni Meryll, ang diamond star na si Maricel Soriano.
* * *
Muling nabuhayan ng loob ang mga tagasubaybay ng programang Wowowee ni Willie Revillame nang malaman nila na babalik sa ere ang controversial game show simula sa Marso 1. Patuloy na mamimigay ng iba’t ibang premyo ang programa at tutulungan pa ang mga winners kung paano nila pagugulungin bilang puhunan ang kanilang mga napanalunang premyo.

Aminado ang mga taga-Wowowee at pamunuan ng ABS-CBN na malaki umano ang kanilang natutunang leksyon  sanhi ng trahedyang nangyari sa ULTRA. Sa susunod, mas magiging maingat na sila pagdating sa seguridad lalo na kung ito’y gaganapin sa isang malaking venue tulad ng ULTRA.

Ngayong malapit nang bumalik sa ere ang Wowowee, mabawasan kaya ang mahabang pila sa labas ng ABS-CBN sa pagnanais na makapasok sa loob ng studio kung saan ginaganap ang programa?

Hanggang ngayon ay naka-display pa rin sa labas ng ABS-CBN compound ang ilang tricycle units at jeepney na ipamimigay sana nung unang anibersaryo ng programa na hindi naman natuloy dahil sa trahedyang nangyari.

Tulad ng sweepstakes at lotto, patuloy na aasa ang mga tao na sila’y papalarin na makasali at manalo ng premyo (cash or in kind) sa Wowowee na makakatulong na magpabago ng takbo ng kanilang pamumuhay.
* * *
Masayang-masaya ang mga kasamahang housemates ng celebrity karate chick na si Gretchen Malalad dahil naayos na niya ang kanyang problema sa kanyang mga superiors sa Philippine Air Force (PAF) kung saan siya ay may ranggong Airwoman 1st class. 

Pinalabas siya sa loob ng 24 oras sa Bahay ni Kuya ng PBB nung nakaraang Martes para lamang ayusin ang kanyang problema.  Nag-AWOL (Absence Without Leave) kasi si Gretchen nang siya’y sumali sa PBB at nalagay sa alanganin ang kanyang trabaho.

Ngayong nakabalik na si Gretchen sa loob ng Bahay ni Kuya, tuloy ang kanyang pakikipagsapalaran sa loob ng PBB house at suportado pa siya ngayon ng kanyang mga superiors at kasamahan sa PAF bukod pa siyempre sa kanyang mga mahal sa buhay.
* * *
Although sinusubaybayan ng sambayanang Pilipino ang PBB, hindi pa rin nito matalu-talo ang Koreanovela na Jewel in the Palace na patuloy pa ring nananatili sa kanyang mataas na rating. Sa totoo lang, grabe ang karisma  at hila ng Jewel in the Palace at maraming mga artista ang patuloy na nakatutok sa nasabing programa.
* * *
Ngayong Sabado ng gabi, maghahabol ang impostor na taxi driver na si Michael V. sa kanyang boundary kaya tiyak na may gagawin itong kakaiba. Mapikon kaya sa kanya ang kanyang ‘bibiktimahing’ pasahero?  Ang kasagutan ay malalaman natin sa Bitoy’s Funniest Videos pagkatapos ng Pinoy Pop Superstar.
* * *
Personal:  Belated birthday greetings kina Sen. Jinggoy Estrada, Gas Gayondato at Ivy Grace Gayo na eight years old nung nakaraang Feb. 21.
* * *
[email protected]

vuukle comment

ABSENCE WITHOUT LEAVE

BERNARD PALANCA

CENTER

KANYANG

WILLIE REVILLAME

WOWOWEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with