^

PSN Showbiz

Rochelle, Kier, magka-date nung Bagong Taon!

-
Maghapon kaming nasa Megamall last January 1 para usyosohin kung anu-anong mga pelikulang kasali sa MMFF 2005 ang pinipilahan at hindi ng mga tao.

As expected, nanatiling may nakalagay na standing room only (SRO) ang sinehang nagpapalabas ng Enteng Kabisote 2 at Exodus. Mahaba rin ang pila ng Mulawin, The Movie, Shake, Rattle and Roll 2K5, Ako, Legal Wife (Mano Po 4?), at ang bagong bukas na Blue Moon na ikinataka namin dahil karamihan sa mga pumapasok ay mga kalalakihan.

Iilan lang ang pumapasok sa Mourning Girls, Kutob at ang Lagot Ka Sa Kuya Ko, hindi namin napansin ang pelikulang Terrorist Hunter na balitang pinull-out na sa lahat ng SM Cinemas.

Ayon naman sa booker na ka-tsika namin ay nanatiling nasa number 10 slot ang Terrorist Hunter, number 9 naman ang Lagot Ka.. at number 8 ang Mourning Girls.
* * *
Nakita naming magkasama sina Kier Legaspi at Rochelle Pangilinan sa Mugen Bar and Restaurant last December 30 at maski na hindi aminin ng dalawa na ‘sila’ na ay halatang-halata naman sa mga kilos nila.

Nu’ng tanungin namin ang alaga ni Joy Cancio kung ilang buwan na sila ng binatang ama ay parang kinikiliti sa puwet ang reaksyon ni Rochelle at si Kier naman ay nailing naman.

Ayon sa aming source ay walang ligawang nangyari sa dalawang bida ng Daisy Siete dahil nga super close sila hanggang sa naramdaman nilang gusto na pala nila ang isa’t isa.

Wala namang problema sa manager ng Sex Bomb na si Joy kung magkagustuhan man ang mga artista niya sa programa, iisa lang ang pakiusap niya, "Huwag lang silang makikipag-relasyon sa may asawa dahil ako mismo ang haharang sa kanila. Kung may anak sa pagka-binata, okey lang, normal na ‘yun ngayon, ‘wag lang talaga sa me asawa."

Samantala, hindi pala aware si Rochelle sa pa-simpleng pag-walk out nung gabi ng kapwa Sex Bomb girl na si Sunshine Garcia dahil hindi na raw makayanan ang naririnig na tuksuhan nina Kier at Rochelle.

Si Sunshine pala ang unang nagka-gusto kay Kier nun pang Season 8 ng Daisy Siete kung saan ginampanan ni Sunshine ang isang retarded na Igorota at si Rochelle naman ay kay Alfred Vargas pa noon tinutukso.

At dito sa Pitong Maria episode ng Daisy Siete ay biglang naging sina Kier at Rochelle na.

Kaya nung tanungin namin si Rochelle sa pag-alis ni Sunshine ay ngumiti lang ito at sabay sabing, "Walang isyu."

Pero ang manager nilang si Joy ang nagsabing, "Pagod ang bata, three days na walang tulog sa taping at rehearsal kaya umuwi na!"
* * *
Niliwanag ng nakababatang kapatid ni Zoren Legaspi na ‘nawawala’ sa sirkulasyon ang kuya niya, nasa bahay daw ito at nagpapahinga kasi pagod.

Ilang buwan na rin kasing hindi napagkikita si Zoren sa anumang showbiz events at maski na nung nakaraang party ng programang Sis na kasama ang live-in partner niyang si Carmina Villaroel ay hindi man lang siya nakitang sumundo bagay na parati niyang ginagawa.

May mga tsismis tuloy na naghiwalay na ang dalawa dahil may kanya-kanya silang partner at kung anu-ano pa, bagay na pinabulaanan naman ni Kier.

Siguro dapat magpa-interview na sina Zoren at Carmina para iklaro ang mga isyung ibinabato sa kanila. – REGGEE BONOAN

vuukle comment

ALFRED VARGAS

AYON

BLUE MOON

CARMINA VILLAROEL

DAISY SIETE

MOURNING GIRLS

SEX BOMB

TERRORIST HUNTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with