^

PSN Showbiz

Jaya, buntis na!

-
Finally, buntis na si Jaya Ramsey courtesy of her American boyfriend based in the US.

At tuwang-tuwang ibinalita ito ni Jaya sa mga kaibigan at mama niyang si Elizabeth Ramsey at nung malaman daw ito ng staff ng SOP ay pinigilan ang singer/tv host na magpa-interview muna tungkol sa kanyang kondisyon.

"Nakiusap ang taga-SOP na sa January 1, sa live episode ng programa na lang ito aminin ni Jaya para naman daw may pambungad silang balita for 2006, oo nga naman, makakatulong din naman iyon sa ratings," sabi sa amin.

Halos maiyak daw sa tuwa si Jaya nung malamang on the family way siya kasi matagal na niyang pangarap na magkaroon ng anak, kaya naman doble ingat ngayon ang Soul Diva dahil nga may diperensiya siya sa matris.
* * *
Arnell Ignacio, gusto raw bumalik sa GMA.

Ito ang tsikang sinabi sa amin ng staff ng GMA 7 na nakakita mismo sa komedyanteng tv host nung dalawin daw nito si Ms. Wilma Galvante.

"Humingi ng meeting si Arnell Ignacio kay Ma’am Wilma at pinagbigyan naman siya since maganda naman ang pakiusap at kwentuhan lang naman. Nabanggit na gustong bumalik ni Arnell sa GMA dahil nga wala naman daw siyang show sa ABS at wala rin daw siyang kontrata.

"In fairness, pinakinggan naman siya ng lola Wilma mo, kaso hindi niya binigyan ng magandang sagot si Arnell, say lang ni WG (tawag kay Ms Galvante), "Tingnan natin," kwento sa amin.

At nung makarating daw ang balita sa mga staff ng programang K, All Star Videoke Challenge ay sumimangot daw ‘yung iba dahil hanggang ngayon ay hindi pa nila nalilimutan ang ginawang pag-iwan sa kanila sa ere ni Arnelli.

Ipinagtanggol naman si Arnelli ng kanyang kaibigan na ayaw ipabanggit ang name na imposibleng bumalik ng Siete ang komedyanteng host dahil nagi-enjoy ito ngayon sa kanyang negosyo na personal na niyang naaasikaso kumpara noong may regular show pa siya.
* * *
Nangangarag daw ngayon ang mga staff ng programang Mahiwagang Baul dahil tinalo sila for the very first time sa rating games ng Goin Bulilit last Sunday.

Hindi raw matanggap ng mga taga-Mahiwagang Baul ang pagkatalo kaya’t nangangatok daw ang staff ng programa sa ibang talent coordinator ng shows ng GMA 7 para pag-promote-in ang kanilang cast.

Samantala, nagdiriwang naman ang mga bulilit ng Goin’ Bulilit dahil kaya naman daw pala nilang isilid sa baul ang programang katapat nila. — Reggee Bonoan

vuukle comment

ALL STAR VIDEOKE CHALLENGE

ARNELL

ARNELL IGNACIO

ARNELLI

DAW

ELIZABETH RAMSEY

JAYA

MAHIWAGANG BAUL

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with