^

PSN Showbiz

Blue Moon, di pumasa sa MMFF 2005?

-
Nakausap namin thru text message ang manager ng komedyanteng Hapon na si Yachang na si Lito Alejandria tungkol sa isyung pinapa-deport ang kanyang alaga ng dati nitong naka-live in na si Annalyn Nicole Jacob, ng Makati City dahil undesirable alien daw ito.

Base raw sa reklamo ng dating live-in partner ng alaga ni Lito ay naranasan nitong sampalin, suntukin at sipain ni Yachang at ito ang ugat kung bakit nakipaghiwalay siya rito.

Nag-inquire naman agad si Lito sa Bureau of Immigration tungkol sa deportation case ni Yachang, pero wala naman daw order-to-deport kay Yachang dahil legal ang pamamalagi nito sa bansa at kumpleto rin daw sa papeles ito.

"Me personal complaint na hindi naman totoo dahil three months nang hindi nag-uusap sina Yachang at yung girl, but we’re getting a lawyer to attend to this," anang manager.

Malaking kuwestiyon ito sa panig ng babae dahil kung sinaktan na pala siya ni Yachang three months ago ay bakit ngayon lang niya naisip na magreklamo, hindi kaya may hinahabol siya sa komedyante na hindi lang nasunod?
* * *
Sa December 16 hanggang 30 ay mapagkikita na sa mga paboritong shopping malls ang mga artistang may pelikulang kasali sa MMFF 2005 para sa promo ng kani-kanilang pelikula.

Sa ipinatawag na presscon ng Manila Broadcasting Corporation na ginanap sa Aliw Theater last Tuesday ay nalito lang ang mga taga0media dahil in-announce ng isa sa executive ng MMFF 2005 na hindi nila inaprub ang pelikulang Blue Moon ng Regal Entertainment kundi ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, magkaiba raw ang sypnosis ng dalawang pelikula.

Laking pagtataka raw nila kung bakit napasok ang Blue Moon gayong di nila ito ipinasa.

Pero base naman sa mga ipinamigay na press releases ng mismong publicity department ng MMFF 2005 ay ka-join ang pelikulang Blue Moon sa first 7 movies na ipalalabas sa MMFF 2005.

Ibig bang sabihin ay hindi nabasa ng mga ehekutibo ng MMFF 2005 ang press releases na ginawa ng kanilang publicist bago ito ipamahagi sa media?

Hindi nakarating sa nabanggit na presscon ang producer ng pelikula na si Mother Lily Monteverde, kaya’t walang gaanong reaksyon kaming nasaksihan dahil kung naroon siya at narinig niyang hindi aprubado ng board ang Blue Moon, nakatitiyak kami na tumatalak na si Mother.

Hindi rin namin nakunan ng panig ang anak niyang si Roselle Monteverde-Teo na siyang dumalo dahil nagmamadali na raw itong umalis ng Aliw Theater pagkarinig na hindi nga dapat ka-join ang Blue Moon.

Anyway, ini-expect namin na isa sa mga araw na ito, muling magpapatawag ng presscon ang MMFF 2005 para klaruhin kung kasama o hindi ang Blue Moon ngayong MMFF 2005.

Samantala, tuwang-tuwa ang ilang kasamahan sa hanapbuhay, lalo na ‘yung may mga anak dahil sampung tickets na ride all you can sa Star City ang give-aways ng MBC. 
* * *
Nasulat namin dati dito sa PSN na mukhang tsika lang ang relasyong Martin Jickain at Aiko Melendez dahil ayon sa mga nakakausap ng ramp model boyfriend ng konsehala ng Quezon City ay wala itong maibigay na detalye tungkol sa kanilang relasyon.

Malalaman ngayong Sabado sa exclusive interview ni Ricky Lo sa Showbiz Stripped kung ano talaga ang real score sa dalawa. REGGEE BONOAN

AIKO MELENDEZ

ALIW THEATER

ANNALYN NICOLE JACOB

BLUE MOON

BUREAU OF IMMIGRATION

DAHIL

YACHANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with