^

PSN Showbiz

CJ Muere, wala nang hamburger commercial

-
Naawa kami kay CJ Muere bilang finalist ng Startstruck 2 dahil hindi na matutupad ang pangarap niyang lumabas sa isang Jollibee commercial na isa sa premyo niya sa pakontes ng naturang food chain nu’ng Starstruck 2 kung saan siya ang may pinakamaraming boto kumpara kina Mike Tan, Ryza Cenon at LJ Reyes.

Nagpadala raw ng sulat ang Mcann Erickson sa GMA Artist Center informing them na hindi na matutuloy ang paggawa ni CJ ng nabanggit na tv ad dahil wala raw makitang role na babagay sa kanya.

Paano na ang pangakong premyo kay CJ na gagawa siya ng tv commercial ng nabanggit na food chain? Di ba’t breach of contract ito?

Tinatawagan naman namin si Lou Gopez, manager at in-charge sa mga booking ng talents ng GMA Artist Center para kunan ng pahayag, pero kasalukuyan daw siyang nasa meeting at hindi makausap. 
* * *
Naaliw kami sa kausap naming top executive ng ABS-CBN dahil puring-puri niya ang nabiling Koreanovelas ng GMA 7 at pawang magaganda raw.

"Magaganda rin naman ‘yung amin (ABS-CBN), kaya lang lahat ng gusto ko, nabili na nila (GMA 7).

"Napanood ko na kasi lahat ng nabili nila at magaganda lahat. Sayang lang at hindi nailagay sa magandang timeslot ‘yung iba.

"Nagustuhan ko ang Beautiful Days, Sweet 18, All For Love, at ‘yung iba pa," kwento ng naturang executive.

Dagdag pa na ang pinakagusto niya ay ang Stairway to Heaven na talagang umiiyak pa raw siya nu’ng panoorin niya itong mag-isa sa bahay nila.

Kaya ba itong gawin ng mga executive ng GMA 7 na hindi rin sila magsasabi ng bad comments sa ABS-CBN? 
* * *
Kabaro ba ni Aiza Seguerra si Lady Lee, ‘yung batang runner-up sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga few years ago na tinutukso rin sa kanya (Aiza) noon na dalagita na ngayon?

At umamin na ba ang singer na si DJ Alvaro na isa rin siyang miyembro ng federasyon?

Ang myembro ng The Baywalk Bodies na si Jannette Joaquin na ipinangangalandakang may karelasyon siyang tomboy at mas masarap pa raw itong magmahal kaysa sa boyfriend niya noon.

Mapapanood ang mga additional revelation nilang tatlo plus ang confirmed gays na sina IC Mendoza, Mel Martinez at Allan K sa episode ng Showbiz Stripped nina Ricky Lo at Melanie Marquez ngayong Sabado, August 13 sa GMA 7.

Eh, sina Ricky at Melanie, may ire-reveal din kaya sila bago magtapos ang programa about their personal life? — REGGEE BONOAN

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ALL FOR LOVE

ALLAN K

ARTIST CENTER

BAYWALK BODIES

BEAUTIFUL DAYS

EAT BULAGA

JANNETTE JOAQUIN

LADY LEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with