^

PSN Showbiz

Maricar, pwede kahit hindi bold!

- Veronica R. Samio -
Dateline St. Luke’s: Natanggal na kahapon yung gallstones ko. Ito ay sa kabila ng pagtalon-talon ng asukal ko sa katawan. Biro mo, wala na nga akong kinakain, ayaw pa ring bumaba! Stress daw. Pero, paano ko naman maiiwasan ang stress? Nanay ako. Iniisip ko, ang bahay na iniwan ko, ang pamilya ko, ang isa ko pang anak na kailangang mag-matrikula na. Sure ako, hindi piso ang babayaran ko rito sa ospital. Except for my salary, I have not been earning extra. Inip na yong Tsinong publisher na nagpapa-edit sa akin ng mga libro. I’m sure ibinigay na niya sa iba yong mga trabaho ko. Di naman ako pwedeng hintayin nun. Bakasyon na rin yong mga tinutulungan kong gumawa ng term papers. Wala rin akong presscon. Above all these, I’m bored just lying in my bed and watching TV. Buti na lang I still have my columns to write.

Nung Monday, pinaiyak ako ng husto ni Roderick Paulate dahilan sa mga kabutihan niya sa kanyang pamilya. Inggit ako dahil nabigyan siya ng chance to be of help sa mga kapatid niya’t pamangkin. Ang mga kamag-anak kong nangangailangan, nagkakasya na lamang sa mga mayaman kong payo. Hanggang sa simpatiya ko na lamang ba sila? How I wish I had the chance to help them, too. Sana?!!!

Happy birthday, Dick! Ang bait-bait mo. I’m sure may lugar ka na sa langit. Yon ang labis kong ikinaiinggit sa iyo at sa iba pang katulad mo. God gave you that rare chance to help others, samantalang ang marami sa amin can only help ourselves.
* * *
Nung Tuesday, binisita ako ni Ms. Maloli Manalastas ng ABS-CBN. Akala ko, sapat na yung pink roses na dumating ng ospital. Her presence brake the monotony of my sleeping and watching TV. Salamat Maloli.

Salamat din kina Salve Asis (PSN, PM) and Ian Fariñas (People’s Tonight) na siyang buwena mano kong bisita. TY, Salve for taking over my job. Alam kong busy ka rin. I’m looking forward to your bout with a certain TV host who I believe should have kept quiet, para sa sariling kapakanan niya.

Salamat din kina Virgie Balatico, Ed de Leon, Carmelites Reganon & Chuchi Fajardo na dumaan ng ospital after they visited Padre Pio and Tito Irene Diaz Castillo earlier. Ditto with Manay Ethel Ramos & Manay Letty Celi. Tita Letty, bahala ka muna sa problema ng PMPC. Alam mo na ang gagawin mo.
* * *
Akala ko, pang-bold movie lamang si Maricar de Mesa. Kasama siya sa maaksyong pelikula ng Double Import Films, ang Terrorist Hunter which also stars Eddie Garcia and would you believe, Dennis Roldan? Hindi ko alam kung natuloy yung planong pa-interview kina Eddie at Dennis ng producer ng Leo Films na si Mr. Sixto Dy whose company is releasing the movie. Alam naman natin na nakakulong si Dennis, not unless payagan itong mabisita ng press sa kulungan. Anyway, P20M daw ang naging budget ng movie na sana ay mabawi ng producer para makagawa pa siya ng iba at mabigyan ng work ang mga manggagawa ng pelikula na walang trabaho ngayon.
* * *
By this time, tapos na ang screening para sa Mr. & Ms. Malabon 2005 na itinataguyod ng gobyerno ng Malabon through the office of Mayor Tito Oreta sa pakikipagtulungan ng Malabon-Navotas Designers Group (MNDG). Ang paligsahan ay binuksan sa 21 barangay ng Malabon City.

Kokoronahan ang mga winners sa Foundation Day ng Malabon sa Mayo 21. Ito ay ididirek ni Earl Crisostomo sa tulong ni Jeffrey Reyes bilang MNDG president, Julius Nepomuceno, project chairman, Mell Navarro, project consultant at Allan Encarnacion ng Malabon Public Information Office as overall project coordinator.

vuukle comment

ALAM

ALLAN ENCARNACION

CARMELITES REGANON

CHUCHI FAJARDO

DATELINE ST. LUKE

DENNIS ROLDAN

DOUBLE IMPORT FILMS

EARL CRISOSTOMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with