Jaya, instant mom na!
April 4, 2005 | 12:00am
Nakatanggap kami ng text message mula kay Angeli Pangilinan-Valenciano, ang manager-wife ni Gary Valenciano na very successful umano ang second leg ng Philippine tour ni Gary V. sa Visayas na nagsimula sa Leyte National High School Gym ng Tacloban City nung nakaraang Biyernes (Abril 1) ng gabi. Siyam na taon din ang binilang ni Gary V. bago ito muling nakabalik ng Tacloban City para magtanghal. Naging special guests ni Gary V. sa kanyang Tacloban concert ang kanyang mga anak na sina Paolo at Kiana Valenciano at si Roxie Barcelo. Dinagsa rin ng mga fans ni Gary V. ang lobby ng Hotel Alejandro sa Tacloban kung saan tumuloy si Gary V. at ang kanyang buong entourage.
Pagkatapos ng concert sa Tacloban, susunod naman dito ang Bacolod sa Abril 9 na gaganapin sa Pana-ad Park & Sports Complex. Dito ay makakasama ni Mr. Pure Energy sina May Ann Casal-Soriano, Melissa Fontano at ang Powerplay Band. Ang musical director ay si Mon Faustino.
Diborsiyado na si Jaya sa kanyang American husband musician na si Andrew Buffington kaya malaya na naman siyang humanap ng ibang mamahalin. Masaya na naman ang paligid ni Jaya hindi lamang dahil maganda ang takbo ng kanyang singing career at maging ang kanyang dalawang regular TV programs sa GMA-7, ang SOP at The P1-M Videoke Challenge kundi dahil may iba na namang nagpapatibok sa kanyang puso, isang Fil-Am guy na isa ring diborsiyado na may isang anak na lalake.
Hindi pinalad si Jaya na magkaroon ng anak sa kanyang unang mister at kung saka-sakaling mauwi sa kasalan ang relasyon nila ng kanyang bagong nobyo, magiging instant mom si Jaya na hindi naman magiging problema sa kanya dahil gustung-gusto na rin niyang magkaroon ng anak.
Si Jaya ay nasa pangangalaga ngayon ni Wyngard Tracy.
Umalis na nung Abril 2 sina Ogie Alcasid, Pia Guanio, G. Jimmy Duavit (EVP at COO ng GMA-7) at iba pang mga executives ng GMA at Mabuhay Channel patungong Tokyo, Japan upang dumalo sa grand launch ng Access TV ng IPS. Inc. na siyang official carrier sa Japan ng GMA Pinoy TV, Mabuhay Channel at Fox Channel. Itoy gaganapin sa Imperial Hotel ng Tokyo sa Miyerkules, Abril 6 mula alas-6 hanggang alas-8 ng gabi. Si Pia ang naimbitahang mag-host habang guest performers naman sina Ogie at Japan-based singer na si Marlene de la Peña.
Ang Access TV sa Japan ang siyang kauna-unahang international channel ng GMA Pinoy TV na magkakaroon din ng grand launch sa Amerika sa darating na Hunyo.
Ang Access TV ay pinamumunuan ni G. Koji Miyashita na siyang chairman-CEO ng IPS, Inc. na siya ring nagma-may-ari ng Advent, Inc., isang telecom company sa Japan, ang Pilipinas International Marketing Services, Inc. (PIMSI) na isang call center sa Pilipinas, ang EBISU sa Beijing, China, ang Eastern Link, Inc. (ELI) na isang door-to-door company at iba pang mga negosyo.
Pagkatapos ng concert sa Tacloban, susunod naman dito ang Bacolod sa Abril 9 na gaganapin sa Pana-ad Park & Sports Complex. Dito ay makakasama ni Mr. Pure Energy sina May Ann Casal-Soriano, Melissa Fontano at ang Powerplay Band. Ang musical director ay si Mon Faustino.
Diborsiyado na si Jaya sa kanyang American husband musician na si Andrew Buffington kaya malaya na naman siyang humanap ng ibang mamahalin. Masaya na naman ang paligid ni Jaya hindi lamang dahil maganda ang takbo ng kanyang singing career at maging ang kanyang dalawang regular TV programs sa GMA-7, ang SOP at The P1-M Videoke Challenge kundi dahil may iba na namang nagpapatibok sa kanyang puso, isang Fil-Am guy na isa ring diborsiyado na may isang anak na lalake.
Hindi pinalad si Jaya na magkaroon ng anak sa kanyang unang mister at kung saka-sakaling mauwi sa kasalan ang relasyon nila ng kanyang bagong nobyo, magiging instant mom si Jaya na hindi naman magiging problema sa kanya dahil gustung-gusto na rin niyang magkaroon ng anak.
Si Jaya ay nasa pangangalaga ngayon ni Wyngard Tracy.
Ang Access TV sa Japan ang siyang kauna-unahang international channel ng GMA Pinoy TV na magkakaroon din ng grand launch sa Amerika sa darating na Hunyo.
Ang Access TV ay pinamumunuan ni G. Koji Miyashita na siyang chairman-CEO ng IPS, Inc. na siya ring nagma-may-ari ng Advent, Inc., isang telecom company sa Japan, ang Pilipinas International Marketing Services, Inc. (PIMSI) na isang call center sa Pilipinas, ang EBISU sa Beijing, China, ang Eastern Link, Inc. (ELI) na isang door-to-door company at iba pang mga negosyo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended


























