^

PSN Showbiz

Sheree at JP Obligacion, nakita sa isang resort sa Batangas

-
Nakita ng aming source ang dating magkarelasyong sina JP Obligacion at ang dating myembro ng Viva Hotbabes na si Sheree sa isang resort sa Batangas nung Holy Week.

Wala namang masama kung nagkita nga sa nasabing lugar ang dalawa. Dahil may pinagsamahan at nagkaroon naman sila ng kahapon. After Aubrey Miles, si Sheree ang naka-relasyon ni JP.

Ang problema lang dito ay ang alam ng mga tao na sina Sheree at Onemig  Bondoc ang may relasyon. Oo nga’t walang inaamin sina Uno at Sheree, ipinagkakanulo naman sila ng kanilang ka-sweet-an sa maraming okasyong nakikita silang dalawa lang ng mga tao.

At nasaan na ang paninindigan ni Sheree, na never na siyang makikipagbalikan, makikipagkita at makikipag-usap sa dating ka-relasyon, na balita pa ngang binubugbog siya nito nang nagsasama pa sila? Nasaan na ang delikadesa ni Sheree lalo pa nang sabihan siya ni JP, na "Mind your own business" nung panahon na si Sheree ang itinuturong dahilan sa pagkakaroon ng anak ni Aubrey kay JP?

Ang alam namin ay nasa Amerika si JP at matagal na ito run kapiling ang pamilya at mga kamag-anak. Pero naisulat nga na bumalik sa bansa si JP, posible ngang nagkita sila ni Sheree.

Ano kaya ang magiging reaction ni Onemig tungkol sa isyung ito? BOY ROMERO

vuukle comment

AMERIKA

ANO

AUBREY

AUBREY MILES

BATANGAS

DAHIL

HOLY WEEK

ONEMIG

SHEREE

VIVA HOTBABES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with