^

PSN Showbiz

Agawan ng korona sa Bb. Pilipinas

-
Makuha na kaya natin ang korona ng kagandahan sa linya ng Ms. Universe, Ms. World, Ms. International sa tatlong papalarin sa 24 candidates ng Binibining Pilipinas ‘05? Malalaman ang kasagutan sa March 19 sa Araneta Coliseum.

Si Precious Quiagaman, 23 years old, ang masasabing hindi na baguhan sa beauty contest na ito. Edad 17 nang una siyang sumali sa Bb. Pilipinas pero hindi siya pinalad na magwagi.

Si Precious ay graduate sa UK ng kursong Media Production at isa siyang freelance web writer.

Hindi lang daw puspusang work-out ang ginawa niya bilang paghahanda, kundi nagbasa siya nang nagbasa para sa nasabing contest. Pagkatapos ng limang taon ng kanyang paghihintay ay mas determinado at confident siyang masungkit ang isa sa mga title.

Umaasam din si Allaine Christi Assuncion, model at pamilyar na ang mukha dahil sa marami na siyang nilabasang commercial sa TV at print ad na magwawagi siya ng title.

Si Christine Santiago naman ay expert sa taekwondo at isang black belter na nagsimulang mahilig sa ganitong sports sa edad niyang limang taon. Graduate siya ng kursong Marketing.

Kasama sa official candidates ang mga sumusunod: Wendy Valez, 22; Ricamarie Ann Taylor, 20, April Jean Manogo, 23; Joanna Rumohr; Carlene Aguilar, 23; HRM Baliwag University student; Mary Jane Dela Cruz, 19; Monifer Samonte, 23; Katherine Aban, 22 from La Union province; at Marie May Rosalien Paloma, 24.

Sina Aulorence Alipon, 23; Melanie Ediza, Joanne Padilla, Kristine Santiago, 19; Mariflor Hazel" Perez, 22; Ma. Micaela Isabel Padilla, 21; Precious Lara Quigaman, 23; Lois Mones, 25 at Maricris Franco. (LS)

vuukle comment

ALLAINE CHRISTI ASSUNCION

APRIL JEAN MANOGO

ARANETA COLISEUM

AULORENCE ALIPON

BALIWAG UNIVERSITY

BINIBINING PILIPINAS

CARLENE AGUILAR

CHRISTINE SANTIAGO

JOANNA RUMOHR

JOANNE PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with