^

PSN Showbiz

Isa pang Pinay,nagpakitang gilas sa London

- Veronica R. Samio -
Sa mga magulang ni Cherrie Veloso Villanueva ako naiinggit sapagkat 22 taong gulang lamang ito pero nag-top ito sa kanyang apat na subjects sa kinuha niyang bar exams sa London. Una nang kumuha ng kanyang early education si Cherrie sa Cambridge at nagtapos ng kanyang kurso sa isang prestigious London School of Economics (LSE) at Ll.B in Laws LSE on behalf of the University of London. Nanguna ito sa Taxation, Laws & Institution of the European Union at Labor Law. Dahilan dito, pinarangalan si Cherrie. Bukod dito, marami na ring parangal na nakuha ang maganda at batang abogada sa London.

Nakilala ko si Cherrie sa blowout na ibinigay sa kanya ng kanyang ama na isa ring abogado, si Atty. Joe Villanueva kamakailan lamang, kinabukasan na dumating siya mula London. Birthday din ng kanyang ama kaya naging malaki ang selebrasyon. Nakilala ko rin ang kanyang kapatid na si Hannah. 14 years old lamang at nangangarap ding makatapos ng abogasya at ang kanilang ina, na si Malou, isang matagumpay na negosyante.

Parehong maganda ang magkapatid at pwedeng-pwedeng mag-artista. Pero, ang pag-aartista ay hindi pumapasok sa kanilang isipan. Kung sakali man, baka si Cherrie na napakagaling umawit. Pero, kung magso-showbiz siya, gusto niya ay maging host sa TV na kung saan ay magagamit niya ang pinag-aralan niya. Mayro’n pa siyang hanggang Setyembre para pag-isipan ang lahat ng ito. Mayro’n kasi siyang alok para sa isang magandang trabaho sa London.
* * *
Habang wala pang ma-dramang teleserye si Dingdong Dantes, isang palabas na katatakutan, tungkol sa mga supernatural occurences at paranormal phenomena ang iho-host niya simula sa Agosto 28, Sabado, 4:45 NH sa GMA 7 na may pamagat na Wag Kukurap.

Dalawang tunay na istorya ang mapapanood kada linggo na naranasan ng tunay na mga tao. Sa unang buwan ng pagpapalabas, mga karanasan ng mga celebrities ang itatampok. Sa Pilot episode, sina
Jackie Esteves ng Sexbomb at April Boy Regino ang magsasalaysay ng kanilang mga nakakatakot na karanasan. Huwag palampasin!
* * *
Magsisimula na naman ang GMA7 ng audition para sa pangalawang bugso ng StarStruck mania. Kung akala nyo na first and last time yung pagkakapili kina Jennylyn Mercado at Mark Herras, nagkakamali kayo. Magiging mas malaki at bongga ang susunod na kabanata ng StarStruck. Subaybayan ang pagbabalik ng kinababaliwang reality artista search.

vuukle comment

APRIL BOY REGINO

CHERRIE

CHERRIE VELOSO VILLANUEVA

DINGDONG DANTES

INSTITUTION OF THE EUROPEAN UNION

JACKIE ESTEVES

JENNYLYN MERCADO

JOE VILLANUEVA

LABOR LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with