^

PSN Showbiz

Tatay ni Jennylyn, totoong nanghihingi ng share sa kita ng anak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Maggi-guest ngayong Sabado si Jennylyn Mercado sa Startalk para kumpirmahin ang nasulat dito sa PSN ni Reggee Bonoan na ampon lang siya nina Mr. & Mrs Rogelio Mercado (nee Lydia Vergara). For the first time, magpapakita rin sa telebisyon ang biological father niyang si Noli Pineda, isang musician na nagtatrabaho sa Korea.

Ikukwento tiyak ni Jennylyn kung paano at three years old, ay iniwan siya ng ina niyang si Maria Ethel Vergara sa kapatid nitong si Lydia nang pumunta ito sa London. Kapatid ng biological mother ni Jennylyn ang nakagisnan niyang ina na kung tawagin sa showbiz ay "Mommy Lydia."

May asawa ng British ang mother ni Jennylyn at tiniyak na nitong kahit kunin siya ng ina’y hindi siya sasama dahil mas mahal na niya ang mag-asawang nag-aruga sa kanya mula pa noong six months old siya.

Lilinawin din ni Jennylyn ang isyung kaya umuwi ng bansa ang kanyang ama’y para makihati sa kanyang kinikita. Sustentado raw siya nito at nagbabakasyon lang ito kaya umuwi. Eight years old siya nang iwan ng ama pero, may komunikasyon sila.

"Hindi rin totoong gusto niya akong kunin na gusto niyang makitira sa bahay namin at gusto niyang manghingi ng pera. Sa bahay ng lola ko sa Bulacan siya umuuwi. Hindi ko itinatagong ampon ako pero, nagulat kaming lahat nang lumabas ’yun. Hindi ko ini-expect na lalabas ’yun. Hindi rin big deal sa akin ang malamang ampon ako dahil ’di ko nga dine-deny," pahayag ni Jennylyn.

May problema lang sa ipinahayag ni Jennylyn dahil nang makausap ng ilang reporter si Mommy Lydia, pinatotohanan nitong nanghihingi ng share ang biological dad ni Jennylyn sa kinikita nito. Ten percent nga raw ang hinihingi nitong share at dito nagsimula ang gulo. Harinawang hindi sina Jennylyn at mommy Lydia ang mag-away dahil lang sa pera.
* * *
Matutuwa ang fans nina Rainier Castillo at Sheena Halili na noon pa gustong sila ang maging magka-loveteam sa mga show nila sa GMA-7. Sa Joyride, ang youth-oriented show na ipapalit sa Click, ang dalawa ang pagtatambalin ni Director Mac Alejandre. Hindi sila mahihirapang umarteng sweet dahil may relasyon sila in real life. Hindi nga ba’t pinagseselosan ni Sheena si Yasmien Kurdi?

Kay Dion Ignacio naman ipapareha si Yasmien at ibi-build up ang loveteam nina Katrina Halili at Warren Austria. Love triangle naman sina Cogie Domingo, Julienna Lee at JC de Vera.

Umaasa ang Ch. 7 na mapapantayan o mahihigitan ng Joyride ang success ng Click, rating wise at audience share.
* * *
Wala ng night life si Drew Arellano mula nang mapasok sa Unang Hirit. Natutulog siya between 11:00 PM-12:00 PM para gumising ng 4:00 AM. Kahit more that two weeks palang siya’y, nag-e-enjoy na siya ng husto’t marami siyang natututunan. Hindi nito pinagsisihang iwan ang Click para sa morning show ng GMA-7.

Bukod sa Unang Hirit, napapanood din si Drew sa All Together Now at Wazzup Wazzup ng Studio 23. Sabi pala nito’y wala pa siyang final plan kung magri-resign sa show niya sa ABS-CBN ‘pag nag-expire ang kanyang kontrata. Dahil wala siyang exclusive contract sa Ch. 2 at Ch. 7, hindi siya nahihirapang magkaroon ng regular show sa magkalabang network.

Mata-touch ang ama ni Drew na si Atty. Aga Arellano sa isinagot ng kanyang anak sa tanong kung ano ang kanyang dream show. "A show with my dad," sagot nito.
* * *
Maipapalabas na rin finally ang Imelda, ang documentary film ni former First Lady Imelda R. Marcos. Sa Lunes, July 19, 9:30 PM ang premiere nito sa Onstage-Greenbelt. Tiyak na dudumugin ito ng tao dahil sa CineManila palang ay hinihintay na ang screening nito.

In fact, ’yung nag-imbita sa aming manood ng docu ay kailangan agad ang aming sagot dahil binibilang ang mga taong papasok sa Onstage. Hindi nga lang kami makakasama sa rami ng trabaho.

vuukle comment

AGA ARELLANO

ALL TOGETHER NOW

COGIE DOMINGO

DAHIL

JENNYLYN

MOMMY LYDIA

SIYA

UNANG HIRIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with