^

PSN Showbiz

Talbog na tseke ni Vandolph, hawak ng may-ari nang iniwan niyang apartment ?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Nakita ko ‘yung check na P40,000 na issue ni Vandolph as payment sa rental ng iniwan nilang apartment ng live-in partner niyang si Jenny something na dating MTB dancer na tumalbog. You read it right folks, if worse comes to worse, ilalabas ng may-ari ang nasabing return check na nakalagay ay closed account para naman hindi siya lumabas na sinungaling.

Sa ngayon kasi, lumalabas na sinungaling ang may-ari ng bahay at parang sinisiraan niya lang ang young actor kaya in a way, pikon ang may-ari dahil nga may hawak naman siyang evidence.

Wala naman daw sanang masamang magkautang kung hindi na sila magsasalita ng against sa kanya (may-ari).

Ang balita ng may-ari, nakabili na ng sariling condo si Vandolph na titirhan nila ng girlfriend niyang si Jenny na may mga kasama raw kamag-anak.

Ang gusto lang sana ng may-ari ay mabayaran siya ng buo dahil ibinabayad niya rin ang renta ng apartment sa bangko dahil naka-mortgage na ang nasabing apartment.

Bukas po ang pahinang ito sa anumang paliwanag ni Vandolph.
* * *
Wala pang direktang pag-amin from Kris Aquino na nagkabalikan na sila ni Joey Marquez matapos siyang alagaan nito nang magpa-lipo siya. Ayon sa source, si Joey daw kasi ang nag-alaga kay Kris as in ito ang nagbabangon sa TV host no’ng time na hindi raw talaga ito makagulapay dahil sa kanyang lipo.

Pero definite ang source na nagkikita ang dalawa at nag-reconcile na!

The other day ay nagsabi na si Kris na split na sila ni Mark Lapid na kadarating lang from a two week vacation.
* * *
Napanood ko sa premiere night ang Volta last Tuesday night. Aba kakaiba nga dahil maraming animation na I’m sure sa mga hindi pa nakakapanood ay hindi pa alam dahil wala sa trailer ng movie. Pero ang galing ng animation at matagal ha! Road runner daw ang gumawa no’n, pero parang gawang imported.

Matagal ang nasabing animation - minutes ang itinagal.

Anyway, sa over all presentation, sure akong magugustuhan ito ng mga bagets dahil pambatang-pambata ang dating. Malamang makipag-agawan ito sa no.1 slot with Kulimlim and Sabel.

Aside from animation, may kuwento ang movie na madaling maintindihan ng mga bata at ng mga magulang na rin nilang kasamang manonood.

Ayokong ma-preempt ang excitement ng mga bagets kaya ayokong magkuwento ng tungkol sa movie, basta panoorin n’yo na lang.

Sabay-sabay na nag-premiere last Tuesday night ang anim na pelikulang kasali sa MFF ngayong taon. Kaya naman dagsa ang tao. Halos wala kang malakaran sa 4th floor ng SM Manila kung saan pinapalabas ang anim na pelikula.

Si Tita Crispina Belen ng Bulletin, nag-enjoy naman sa panonood ng Kulimlim, ang movie ni Robin Padilla for Viva Films. "Ang galing ni Robin. Siguradong siya ang magiging best actor," sabi ni Mrs. B.

Palabas na sa lahat ng theater sa Manila ang anim na entries sa Manila Film Festival.

Base sa rami ng tao last Tuesday night, siguradong mas malaki ang kikitain ng mga pelikulang kasali. Holiday today sa Manila kaya siguradong dagsa ang tao ngayon sa lahat ng sinehan.
* * *
From My Inbox
Dear Ms. Salve,

I'm a showbiz fan who one time or another came accross ur column in Phil. Star.com. Reading ur articles is really entertaining.

 I'm a soap fan too, especially Sana’y Wala Nang Wakas of ABS-CBN. Hope you can write something about this soap and the fact that many viewers are rooting for a Leo-Gracey ending. The love story of this duo is very well crafted compared to the Ara-Christian saga. And besides the chemistry of Diet-Tin is more appealing than the Echo-Tin team up. Don't u agree? 

Thank you very much for taking time to read this mail.

 More power to you and God bless!

 truly yours,

 Chenna     
* * *
You are right, hindi lang ikaw ang nakaka-observe na mas may rapport sina Diet and Kristine kesa kina Echo and Kristine. Kasi nga naman, in real life, very much in love ang dalawa with each other. In fact, gusto na nga raw nilang pakasal at nagpaalam na ang aktres sa kanyang mother na si Diether na nga ang gusto niyang makasama for the rest of her life.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]/[email protected]

vuukle comment

BORDER

CENTER

CRISPINA BELEN

DAHIL

DIET AND KRISTINE

ECHO AND KRISTINE

VANDOLPH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with