^

PSN Showbiz

Bernadette,Aljo bagong loveteam ng ABS-CBN News

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Hindi nasunod ang orihinal na plano ng ABS-CBN na iere ng isang taon lang ang Basta’t Kasama Kita. Extended hanggang September ang top-rating action-drama teleserye na pinagbibidahan nina Robin Padilla at Judy Ann Santos. As planned, dapat ay magtatapos na ito ngayong buwan. Ang extension ay bunsod ng clamor ng fans at ng mataas na rating ng serye.

Kahit sina Robin at Juday ay walang choice kundi pagbigyan ang clamor ng fans.

"Kinausap sila (Juday at Robin) ng management informing them na kailangang i-extend ang show," sabi ni BKK supervising producer Julie Ann Benitez. "Kung sina Robin at Juday lang ang masusunod, gusto na nilang tapusin na. Kaya lang, kinausap sila at siguro inisip din nila ang mga fans ng BKK kaya they were convinced."

Since extended nga ang Basta’t Kasama Kita hanggang September, mangangahulugan ito na marami pang exciting na kwento yung mga stories na gusto namin.

"Nagkaroon pa kami ng chance na makagawa ’nung mga stories na gusto namin. Marami pa kasi kaming stories na gustong i-explore. Marami pa talaga. Matutuwa ang fans sa mga stories na naka-line up sa future episodes," sabi pa ni Julie Ann.

For this week, kwento ng Pigatos ang tumatakbo sa BKK. Ang Pigatos ay grupo ng modern day warriors na against sa politics. Pinangungunahan ito ni Jhong Hilario at apat pang myembro.

"All original ang Pigatos," kwento ni Julie Ann. "Si Direk Jerry (Sineneng) ang nakaisip ng term na Pigatos. Even ’yung mga action scenes ng Pigatos, konsepto din ni Direk Jerry."
* * *
Bago pa man sumikat ang boksingerong sina Manny Pacquiao, isang dating boxing champ na si Rolando Navarette. Dekada ’80 nang kilalanin si Rolando bilang sensation sa boxing. Siya ang tinaguriang ‘Man from Dadiangas’. Halos lahat ng laban ni Navarette abroad ay naipanalo niya. Idagdag pa na malaki ang suporta niya sa Marcos administration.

Pero tulad ng ilan, hindi na-handle ni Navarette ang kanyang tagumpay. Naubos ang kanyang naipon sa bisyo. At hanggang sa tuluyan na siyang mabaon. Doon na rin nagsimula ang miserable niyang buhay. Wala na ang taong dating tumitingala sa kanya. Ngayon, nagdarahop ang kanyang buhay.

Isang pagkakataon sa buhay ni Navarette ang nagpasaya sa kanya – nang makilala niya nang personal si Manny Pacquiao. Minsan itong na-feature sa Simpleng Hiling ni Karen Davila.

Ito ang dahilan kung bakit nagkainteres ang Maalaala Mo Kaya na isadula ang buhay ni Rolando Navarette na ipalalabas ngayong gabi. Para magsilbing aral at inspirasyon na rin sa mga taong umaani ng tagumpay.

Si Marvin Agustin ang napiling gumanap bilang Navarette. Kasama rin sa cast sina Elizabeth Oropesa, Maricar de Mesa, Cherry Lou, Crispin Pineda at Gerard Pizarras. Si Joyce Bernal ang nagdirek ng episode.
* * *
Nakakatuwa ang tuksuhan ng Magandang Umaga Bayan hosts na sina Tintin Bersola, Julius Babao at Erwin Tulfo sa co-host nilang si Bernadette Sembrano kay Aljo Bendijo.

Aaminin ko, ako man ay kinikilig kapag tinutukso sina Bernadette at Aljo. Bagay sila. Nakakatuwa si Bernadette dahil hindi ito pikon although madalas na nagba-blush ito kapag tinutukso kay Aljo.

Si Aljo naman, hindi pwedeng tawaran ang kagwapuhan. Siya na yata ang masasabing pinakagwapong news reporter ngayon sa telebisyon. At kung ganda rin lang, panalo si Bernadette.

Ako, I would love to see both Aljo and Bernadette in one show together. Sana nga ay i-consider ’yun ng ABS-CBN News & Current Affairs management.

At kapag natuloy ’yon, makaka-create na naman sila ng isang Julius Babao-Tintin Bersola loveteam sa isang morning show.

Bakit hindi, ’di ba?

vuukle comment

ALJO

BERNADETTE

JUDAY

JULIE ANN

KASAMA KITA

NAVARETTE

PIGATOS

ROLANDO NAVARETTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with