^

PSN Showbiz

Rose Valencia,tsugi rin sana kung sumama kay Halina

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Kwento ng manager na si Ed Alcantara na sana ay kasama pala sina Tracy Torres at Rose Valencia sa grupo ni Halina Perez na nag-show sa Kabikulan na kung saan nagkaroon ng trahedya na ikinasawi ng aktres.

"Pero sakaling natuloy kami ay dun naman kami sa aking van ni Tracy sasakay pero si Rose ay doon naman sa sasakyan nina Halina sasama. Last minute ay nag-decide kami na huwag na lang sumama. Kung natuloy pala si Rose ay baka kung ano na ang nangyari sa kanya na malamang ikinasawi niya o nagdulot ng aksidente gaya nang naranasan ni Dana Garcel," aniya.

Malaking pasasalamat ni Ed na hindi natuloy ang pagsama nila bagama’t iniyakan ni Tracy ang nangyari kay Halina dahil naging close ito kay Halina simula nang nagkasama sila sa Tukaan. Naging parang magkapatid ang turingan nila sa isa’t isa.
Maswerte Si Raymart Kay Claudine!
Isa si Claudine Barretto sa mga paborito kong kabataang aktres at marami ring magagandang katangian akong nalaman tungkol sa kanya na ibinahagi sa akin ng mga nakasama niyang artista.

Tinitiyak nila na magiging mabuti itong asawa sakaling magkatuluyan sila ni Raymart Santiago, maasikaso ito at masinop sa tahanan. Kahit CR ay nililinis nito mismo at hindi inaasa sa katulong. Kwento ng aking source na kinukuskos pa nito ang toilet bowl para makatiyak na malinis ito.

Masinop din si Claudine sa pera at hindi gumagastos sa walang kapaparakang bagay.
Susan, Naglilibot Sa Palengke
Naikwento ni Dolor Guevarra na manager ni Susan Roces na naglilibot sila ng mga palengke bilang tulong sa kandidatura ni FPJ. Pinagkaguluhan ang dating Reyna ng Sampaguita Pictures nang maglibot sa Divisoria, Nepa Q-Mart, Murphy Market at sa Quiapo. Karamihan sa mga nagtitinda ay idolo si Susan.

Mga die-hard fans ni Susan ang nag-asiste at nag-asikaso sa kanilang pag-iikot. Ni sa hinagap ay hindi nila aakalain na makakasama nila at makikita nang personal ang aktres.
Sexy Fashion Show
Naimbitahan kami sa presscon at mini-fashion show ng Raw Collection Live 2004. Talagang nagpatalbugan sa kaseksihan ang mga Sensual Babes kasama ang Sensual Hunks. Natameme ang mga kalalakihan dahil sa maninipis na kasuotan ng mga modelo kung saan aninag na ang kanilang boobs at ang iba naman ay halos lumuwa na ang malulusog na dibdib. Naka-t-back pa ang mga ito habang rumarampa sa iba’t ibang kasuotan.

Ang mga kapatid namang mga bading sa hanapbuhay ay walang kakurap-kurap habang pinagmamasdan ang pagrampa ng mga male models na naka-brief lang.

Magaganda naman ang mga sexy outfit na likha ni Armando Favia para sa show. Naitanong ko nga sa prodyuser kung bakit mahal ang bayad na P1,000. Sinabi nila na sulit naman ang kanilang panonood dahil may highlight pa silang mapapanood. Baka naman mag-topless ang mga Sensual Babes, di kaya?

vuukle comment

ARMANDO FAVIA

CLAUDINE BARRETTO

DANA GARCEL

DOLOR GUEVARRA

ED ALCANTARA

HALINA

HALINA PEREZ

SENSUAL BABES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with