^

PSN Showbiz

Startruck survivors, nagkakasakit na sa sobrang trabaho

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Itinanggi ni Joey Marquez na dahil sa kanya kaya hindi natuloy noon ang pagtatambal sa pelikula nina Kris Aquino at Vic Sotto. Ang lumabas kasi’y nagseselos siya kay Vic, kaya ayaw niyang payagan si Kris na tumambal ito. Ngayong break na sila ni Kris, itutuloy na ng Regal ang tambalan ng dalawa.

"Bakit ako? Wala akong kinalaman doon," reaction ni Joey nang tanungin tungkol dito. "I’ll be happy for them kung gagawa sila ng pelikula. Bagay naman sila pati sa aura nila," patuloy ni Joey.

Sinubukan pala naming magtanong tungkol kay Kris pero, wala kaming nakuhang sagot kay Joey. Naging bingi at pipi ito pagdating kay Kris. Pina-praktis lang daw niya ang natutunan niya pagkatapos ng gulo nila ni Kris na para walang gulo’y hindi na lang siya magsasalita.

Gaya sa ibang artista na nag-pulitika’y pansamantala ring titigil sa telebisyon si Joey. Iiwan nito ang S-Files at Lagot Ka na kanya raw mami-miss. Natatakot na nga si Joey dahil alam niyang itsitsismis siya nina Richard Gomez at Paolo Bediones ‘pag wala siya sa kanilang Sunday showbiz-oriented show.

Kakandidatong congressman sa 2nd district ng Parañaque City si Joey sa tiket ni President Gloria Macagapal-Arroyo. Ang 12 years niya sa pulitika ang para kay Joey ay malaking lamang niya sa kanyang kalaban. Kung achievement nga naman ang pag-uusapan, malayo ang lamang ni Joey sa rami ng mga nagawa niya sa Parañaque kabilang ang pagtaas ng revenue mula P430 million to P1.6 billion.
* * *
Kailangan ba talagang mag-guest sa lahat ng shows ng GMA-7 ang Ultimate StarStruck survivors na sina Jennlyn Mercado at Mark Herras at ang runner-ups na sina Rainier Castillo at Yasmien Kurdi? Naitanong namin ito dahil sa dalas nilang napapanood, baka madali silang pagsawaan ng tao.

Nakikita rin naming apektado na ang performance ng mga bata sa rami ng bookings at limited time to rehearse. Napansin namin ni Vero Samio ang kawalan ng buhay ni Jennylyn habang kumakanta bago ang presscon ng All About You at tingin namin ni Vero dahil ‘yun sa kapaguran.

Si Mark din, kinakikitaan na namin ng pagod at may sinat pa nang makita namin sa presscon pa rin ng AAY. May time na ‘pag kumanta si Yasmien ay napa-flat na.

Si Rainier na lang ang tila ‘di pa napapagod sa rami ng trabaho. Hindi pa rin nawawala ang "killer smile" ng bagets. Enjoy ito sa pagsasayaw na sa StarStruck lang niya natutuhan.

Sino naman kasi ang ‘di mapapagod dahil bukod sa rami ng TV guestings ay nagti-taping pa sila ng Love to Love at Click at regular na rin sila sa SOP kasama ang 10 Avengers. Sa March 14 na ang airing ng L2L at isusunod dito ang LoveStruck kung saan magkakasama ang 14 StarStruck barkada.

Incidentally, si Rainier ang newest Bench image model/endorser. Any day now, makikita na lang natin ang poster niya sa mga Bench store dahil pumirma na siya ng kontrata last Friday. Agad inaprubahan ni Ben Chan ang pagiging endorser nito nang dalhin ni Douglas Quijano sa kanya.
* * *
Ibang Cherie Gil ang mapapanood sa Marina ng ABS-CBN. Arbularyo ang role niya na magpapahirap kina Claudine Barretto, Joel Torre at Snooky Serna. Akala nito’y miscast siya dahil hindi pa siya nagaganap sa ganitong role.

"Totally unglamorous ako rito. Wala akong make-up, naka-wig pa at mga simpleng damit ang mga suot ko. I’m bitter and hard here as Victoria Raymundo. For once, hindi ako socialite bitch dito," banggit ni Cherie.

Kampante sa kanyang pagtatrabaho si Cherie dahil nag-relocate na silang mag-anak dito mula sa matagal na paninirahan sa Venice, Italy. Ang pamilyang nasa bansa at love sa showbiz ang mga ibinigay na rason ni Cherie sa desisyon niyang dito na sila manirahang mag-anak.
* * *
Naloloka ang staff ng isang sitcom sa tagal mag-make-up ng actress na kasama sa cast. One hour inaabot ang pag-aayos nito ng mukha at kung ginaganahan ay na-e-extend pa.

Nong una’y pinabayaan ng staff ang kapritso ng actress na matagal butingtingin ang mukha. Kaso, tuwing taping na lang ay nangyayari ‘yun at nagiging cause ng delay ng taping. Nangialam na ang staff at doon na nila nalamang kaya inaabot ng sobrang tagal sa pagmi-make-up ang actress ay maraming tinatakpang kung anu-ano ang mukha.

Mestisa ang actress, kaya may freckles at ‘yun ang ayaw niyang makita ng viewers. But in fairness, after her one hour make-up, wala nang makitang dumi sa mukha ng actress. As in, mala-porselanang kutis niya ang napapanood ng viewers.

vuukle comment

ALL ABOUT YOU

BEN CHAN

CHERIE GIL

CLAUDINE BARRETTO

DAHIL

DOUGLAS QUIJANO

JENNLYN MERCADO

JOEY

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with