^

PSN Showbiz

Aktres, may itinatagong anak

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Matagal na sa showbiz ang magandang aktres na ito na may asawa na rin. Ngayon nagkakalabuan na sila ng mister niya ay may haka-haka ang aking source na baka ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ay dahil natuklasan na ni mister na may anak pala sa pagkadalaga ang aktres na nagawa nitong itago at ilihim sa showbiz.

Malaki na ang bata at nasa grade school na bago ikinasal ay inakala ng marami na dalaga ang aktres na nagtataglay ng maamong mukha. Mainstay ito ng isang teleserye sa telebisyon.
Mikee, Bagong Host Ng ‘All About You’
Si Mikee Cojuangco ang host ng All About You ng GMA 7 para sa ikatlong season nito.

May bagong segment ang show na kung saan tuturuan ang mga manonood kung paano maging masinop sa pera. Mapapanood ang All About You sa Agosto 17 11:00 ng umaga.
Miko, Ipinahamak Si Angel
Naging headline ng isang tabloid (hindi amin) ang sinabi ni Miko Sotto na magpapakasal na sila ni Angel Locsin. Maraming tumawag mula sa kampo ng young actress at nagtatanong kung totoo nga ang balita.

Napag-alaman ko sa isang kaibigang reporter na talagang sinabi ito ni Miko pero bilang isang biro na sinakyan naman ng mga reporter na naroon sa taping ng Bubble Gang kung saan nag-guest si Angel, worried ang bagets na baka ito makaapekto sa career niya.
Bernadette, Magaling Na News Anchor
Sinamahan kong mag-guest si Melvyn Dizon sa Tele-Aga Dyaryo sa Channel 4 hosted by Bernadette Allyson. Nagpu-promote si Melvyn ng kanyang series of shows sa US sa Setyembre.

Samantala magaling si Berna bilang news anchor kahit walang background sa broadcasting.

Likas na matalino lamang ang magadang maybahay ni Gary Estrada na graduate ng AB Psychology sa De La Salle University.

Umalis na sina Berna sa bahay ng kanyang mga magulang at kasalukuyang nakatira sa townhouse kasama ang asawa at one-year old nilang baby. Hindi na ito gagawa ng pelikula at mas gustong mag-concentrate na lang sa telebisyon.
Di Na Mapipigil Sa Pulitika
Harangan man ng sibat ay tuloy na tuloy na si Alma Moreno para sa pagtakbo bilang mayor ng Parañaque. Kahit may mga nagpapayo dito na umatras na dhail sa mga negatibong isyu na sinasbai tungkol sa kanya gaya ng pangungutang ng pera ay dedma pa rin ito.

Hindi rin sagabal ang hula dito na matatalo siya sa eleksyon dahil hula lang daw yun ayon sa aktres.
Ara Vs. Rufa Mae Sa Mmff
Challenging para kay Ara Mina ang gumanap vs character role kaya tinanggap nitong maging kontrabida ni Vic Sotto sa Funtastic Man na entry ng OctoArts at M-Zet sa darating na Metro Manila Film Festival Phils. 2003. Umaasa uli ito ng another award sa MMFF pero this time bilang kontrabida.

Pero may kalaban si Ara sa katauhan ni Rufa Mae Quinto na gaganap namang kontrabida ni Bong Revilla sa Captain Barbell ng Premiere Productions. Nag-back out na si Rufa sa Bridal Shower na entry ng Seiko Films dahil ayaw nitong maglagare kung saan bukod sa Captain Barbell ay may tatlo pa itong shows sa GMA 7 gaya ng SOP, Bubble Gang at Ang Iibigin ay Ikaw Pa Rin.

ALL ABOUT YOU

ALMA MORENO

ANG IIBIGIN

ANGEL LOCSIN

ARA MINA

BUBBLE GANG

CAPTAIN BARBELL

CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with