^

PSN Showbiz

Baguhang artista ayaw kay Patricia

- Veronica R. Samio -
Bigla na lamang lumitaw ang pangalan ni PJ Malonzo. Ang dahilan, tatlu-tatlo ang pelikulang ginagawa nito para sa Metro Manila Film Festival Philippines 2003–The Homecoming ni Director Gil Portez topbilled by Alessandra de Rossi, Captain Barbel na nagtatampok kina Ogie Alcasid at Regine Velasquez at ang The Fantastic Man 2 ni Vic Sotto.

"Swerte lang po," panimula ng 22 taong gulang na anak ni Caloocan Mayor Rey at Gigi Malonzo . "Maliit pa akong bata ay talagang pangarap ko nang mag-artista pero, ngayon lamang ako pinayagan ng parents ko kasi nakatapos na ako ng college (Economics, UST).

"Matagal na rin akong nag-aartista pero, talagang ngayon lang ako nagka-break. Nag-workshop ako sa ABS CBN at pagkatapos nito ay nakalabas ako sa ilang mga palabas sa TV kahit hindi ko ginamit ang koneksyon ng mga magulang ko. Never din akong kinuhang artista ng dad ko which I never resented dahil gusto ko rin namang patunayan sa kanya na I can make it on my own," pagmamalaki ng baguhang artista na makikilala ngayon sa pangalang Christopher Malonzo dahil ang PJ Malonzo ay parang pangalan daw ng isang bata.

Inamin niya na bago gumawa ng pelikula si Patricia Javier bilang kapartner ng kanyang daddy ay crush niya ito. "Ayaw ko na dahil inunahan na ako ng dad ko sa kanya," sabi niya.

Mayroon siyang girlfriend, si Sheena Flores na dating member ng isang grupo ng mga kabataan na pinorma ni German Moreno.

Marami nang naging girlfriend si Christopher. Walong taon siya nung una siyang magka-girlfriend.
* * *
Di naman pangarap ni Juliana Palermo na forever maging sexy o bold star. Syempre, gusto rin niyang patunayan na kaya rin niyang gumanap ng ibang mga roles. Hindi na siya mapakali ngayong nalalapit nang ipalabas ang kanyang launching film sa Maverick, ang WWW. XXX. COM. Gusto niyang mapatunayan kung tatanggapin siya ng mga manonood na Pinoy, kung ang lahat ng efforts niya ay may kapupuntahan.

Bukod sa pag-aartista, sumusulat din siya ng column sa FHM. "Nababaliw ako sa mga itinatanong sa akin ng readers. Akala nila porke lumabas ako sa isang sexy film ay isang sex expert na ako," nakatawa niyang sabi sa pinakahuling presscon na ginawa para sa kanyang pelikula na ginawa sa napaka-kontrobersyal na lugar na naging laman ng TV at dyaryo kamakailan lamang.

"Hindi ko alam yun ah. Hindi kasi ako nagbabasa o nanonood ng news. I only watch movies on TV. Umiyak nga ako after watching Forevermore ni Kristine Hermosa," kwento niya.

Ang WWW.XXX. COM ay unang mapapanood ng isang araw sa Makati Cinemanila Film Festival na magaganap sa Agosto 7-24. Magsisimula ang regular run nito sa mga commercial theaters simula sa Agosto 27.

vuukle comment

AGOSTO

AKO

CAPTAIN BARBEL

CHRISTOPHER MALONZO

FANTASTIC MAN

GERMAN MORENO

GIGI MALONZO

GIL PORTEZ

JULIANA PALERMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with