^

PSN Showbiz

Patricia Javier, may sugar daddy sa Guam?

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nalalagay ngayon sa intriga si Patricia Javier kung saan balitang may sugar daddy ito na taga-Guam na nagbibigay sa kanya ng pera kaya can afford ito sa mataas ng lifestyle.

Gaano katotoo ang balita?

Ayon sa magandang aktres, hindi na siya magtatrabaho kung pinadadalhan siya ng kanyang boyfriend o sugar daddy na nasa Guam.

Tinatawanan na lang niya ang tsismis.

Dahil sa inggit sa kanya ng ibang Pinoy nang minsang mag-show siya roon ay ginawan siya ng intriga.

Patuloy na lumalakas ang benta ng Bare Naked VCD/DVD ni Patricia. May part 2 rin daw ang private video na ito ng aktres.
Pangarap Maging Drama Princess
Hindi kami nagtataka kung dumating ang araw na makilala sa drama si Crystal Moreno. Bata pa ay lumabas na ito noon sa teleserye kaya pangarap ding magkaroon o mapasama sa soap opera. Magaling umarte si Crystal at idolo niya si Judy Ann Santos at Kristine Hermosa. Sa pag-awit naman ay hanga ito kay Regine Velasquez.

Masaya ito ngayon dahil napabilang na siya sa Click bilang kapareha ni Lester Llansang.

Magaling umawit si Crystal at patuloy na naga-undergo ng voice lesson kay Susan Pichay. Nangako ito na kahit marami siyang pinagkakaabalahan sa showbiz gaya ng pagiging mainstay ng Click at mga provincial shows ay hindi niya pababayaan ang pag-aaral kung saan 2nd year na ito sa haiskul sa St. Mark’s Institute sa Las Piñas.

Ngayon ay 14 years old na ang dalagita ay wala pa sa loob nito ang mag-entertain ng manliligaw.
Hottest Pop Band
Nagbunga rin ang tiyaga at pagsisikap ng Freshmen Band para makilala at sumikat. Hindi lang talino, gandang lalaki at galing sa pag-awit ang puhunan ng anim na miyembro kundi ang disiplina sa sarili-walang sigarilyo, pag-inom ng alak at labis na pagpupuyat. Kahit sa pag-ibig ay hindi nila pinagtutuunan ng pansin dahil ayon sa mga miyembro ay hindi nila maaasikaso ang kanilang mga girlfriend dahil sa pagiging abala sa trabaho.

"Bata pa kami at makapaghihintay naman ang lovelife," anila.

Abala ang Freshmen Band sa kanilang Mall at Bar Tour simula kahapon hanggang Agosto 1.

Ang mga gwapong miyembro ng Freshmen Band ay sina Joseph Castro at Roel Aldaña (vocalists), Edward dela Cruz (lead guitarist), Jerome Raymundo (bassist) Trician Andres (keyboardist) at Daziel Ledda (drummer).
Blind Item: Laging Nasisigawan ni Direk
Nakakatuwa ang kwento ng aking source tungkol sa isang magaling na aktor na tumanggap na ng acting award pero nasisigawan pa rin ni direk sa syuting. Paano ba naman ay kung ilang ulit siyang nawawala sa konsentrasyon kaya nakakailang take, ayon sa source.

Minsan daw ay nagkaroon ito ng eksena na hindi makuha ang tamang emosyon kaya nagalit ang direktor. Sey nito sa aktor "Akala ko ba, magaling kang umarte, bakit sa eksenang ito ay di mo makuha ang tamang ekspresyon?"

Siguro sa kahihiyan ay pinagbuti na nito ang tamang pag-arte.

Ang aktor ay malakas ang dating kaya maraming babae ang nagkaka-crush at nai-in love sa kanya. Bumilang ito ng maraming nobya di lang sa showbiz kundi gayundin ang non-showbiz gf bago tuluyang nagpakasal sa isang non-showbiz girl.

vuukle comment

BAR TOUR

BARE NAKED

BATA

BLIND ITEM

CRYSTAL MORENO

DAZIEL LEDDA

DRAMA PRINCESS

FRESHMEN BAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with