Tanya, pumupunta sa condo ni Cogie
June 1, 2003 | 12:00am
Hindi ikinakaila ni Cogie Domingo na galing siya sa broken family. Hiwalay na ang kanyang magulang at may mga kapatid siya sa iba pero magkakasundo naman sila.
Dahil sa pagiging produkto ng broken home ay napagbintangang nagdodroga ang gwapong young actor pero, itinanggi niya ito, gayundin ang balitang ampon daw siya. Hindi raw kasi siya kamukha ng kanyang mga magulang.
"Kahit nga si Daddy ay nagulat sa balita. Hindi kasi niya alam kung bakit may nakakapagsulat ng ganito at kung saan sila nakakakuha ng ganitong balita. Pero sinabi ko kay Daddy na huwag na lang itong pansinin dahil part ng showbiz ang intriga. Hindi kasi siya sanay dito," sey ng aktor.
Kumusta naman ang kanyang lovelife? Hindi bat itinutukso rin siya kay Tanya Garcia? "Minsan ay dinalaw niya ako sa aking condo pero isang beses lang yun. May crush din ako sa kanya dahil ang ganda-ganda niya pero hanggang paghanga lang yun dahil magkaibigan lang kami," pagtatapos ni Cogie.
Kapag hindi abala sa showbiz commitment ay patuloy pa rin ito sa pagdidisenyo ng mga accessories. Gusto rin nitong mag-design ng mga damit. "Pero siguro magagawa ko lang ito kapag hindi na ako busy," anang actress-singer.
Sinabi nito na kailanman ay hindi pinakikialaman ni Jules ang kanyang pera at nakakabili siya ng gusto niyang gamit gaya ng alahas.
Masaya ang aktres sa piling ng asawa at wala na raw siyang mahihiling pa sa buhay.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
10 hours ago
By Salve Asis | 10 hours ago
10 hours ago
By Boy Abunda | 10 hours ago
1 day ago
By Salve Asis | 1 day ago
Recommended





















