^

PSN Showbiz

Edu, 'di natuloy sa GKNB!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Magaling na si Kris Aquino after almost one week ng allergies and fever. Magri-resume na siya ng taping ng Game KNB. Kung hindi gumaling si Kris, si Edu Manzano sana ang pansamantalang magti-take over sa Game KNB. In fact, kinausap na raw ang actor ng management. Pero bigla ngang nagpasabi si Kris na kaya na niyang mag-taping kaya hindi natuloy ang pansamantalang pagpasok ni Edu. "Baka gumaling si Kris nang marinig ang pangalan ni Edu," comment ng isang ABS-CBN insider na medyo na-shock sa biglang paggaling ni Kris.
* * *
Kung may mga negative write-ups si Mikey Arroyo lately, meron naman pala siyang ginawang mabuti na hindi alam ng marami. All praises sa kanya ang colleague na si Chit Ramos dahil sa ginawang instant tulong ni Pampanga vice governor sa isang non-showbiz friend niya na ayaw magpa-reveal ng name.

Meron kasing isang friend si Ms. Ramos na binugbog at pinagtulungan ng apat na kalalakihan - pinaghahampas ng silya, tubo at ilang matutulis na bagay. Sobrang sakit daw sa katawan ang inabot ng kawawang mama sa kamay ng mga walang kaluluwang drug addict pero in the end, naipagtanggol pa rin ng kawawang biktima ang kanyang sarili dahil sa konting alam sa self-defense. Nakatakas siya sa mga salarin at nagawang humingi ng tulong sa kaibigan niyang writer, si Ms. Ramos nga.

Nakuwento raw ng biktima na nang mag-report siya sa police, hindi naman puwedeng damputin ang suspects dahil wala pang case na isinasampa.

Nang makarating kay Ms. Ramos ang kuwento ng kaibigan niyang non-showbiz, nauna niyang naisip tawagan si Senator Ramon Revilla pero nasa hospital ito dahil nga sa mild stroke that time. So hindi na rin siya nag-bother na tawagan si VRB Chairman Bong Revilla dahil given na nasa hospital na rin ito dahil sa kanyang ama.

"Biglang nakita ko ‘yung number ni Mikey. So nag-try akong tawagan siya. Sinabi kong may problema ang isang kaibigan ko. Hindi man lang siya nag-dalawang isip na tulungan ako," she recalls sa isang kuwentuhan. Actually, suntok daw sa buwan ang ginawa niyang pakiusap kay Mikey. "Hindi kasi kami masyadong close, pero kailangan ko talaga ng tulong that time dahil takot ang kaibigan ko na balikan siya ng mga addict na bumugbog sa kanya," she narrated.

"Na-recognize naman agad niya (Mikey) ako," she added. Kinuha raw agad ni Mikey ang details ng kaso and after 30 minutes, nag-usap uli sila ni Mikey. Nag-ready ang kaibigan niya ng medical certificate at police report at nag-file ng case. "By this time alam kong nagpapa-imbestiga na si Mikey sa kaso ng kaibigan na nabunutan ng tinik dahil may isa palang katulad ni Mikey na tutulong ng hindi niya inaasahan. Ngayon hindi alam ng kaibigan ko kung paano pasasalamatan si Mikey," Tita Chit added.

Sana nga, simula lang ito ng magagandang bagay na gagawin ni Mikey.
* * *
"Dakilang ina si Amanda. I admire her for her strenght of character. Kaya naman iba ang ginawa kong attack sa character ko dahil mother ito na nasa kalagitnaan ng time na maraming radikalismo, pero kinakaya niya kahit apektado ang pamilya, so talagang may tinatagong tapang si Amanda," describes Star for All Seasons Vilma Santos sa character niya sa Dekada ’70, Star Cinema’s official entry to the 2002 Metro Manila Film Festival. "The movie also speaks so many things. But the main narrative is focused on the evolution of a middle class, non-committed family and passive family into one that’s active and committed.

"The ironies are true that parents are growing up with the children and then the children outgrowing the parents. That means Dekada ’70 is not a political movie, it’s not just about the Seventies decade because most of the issues then are still relevant now," she added.

Maging si Direk Chito Roño ay ganito ang explanation - kung anong ginagawa ng mga kabataan noon, marami pa ring mga kabataan ang ganito ang buhay sa kasalukuyan.

In a way, comeback movie ito ni Mayor Vi since matagal-tagal na rin siyang hindi napapanood sa big screen - Anak ang last movie project niya.

Added factor din ng pelikulang ito si Christopher de Leon na matagal-tagal ding hindi ni Ate Vi nakasama. Nag-pair na sila in 20 films, almost all of them critically and commercially successful, starting from their first starrer together in early 70s, Tag-ulan sa Tag-araw hanggang sa last team-up nilang Hanggang Ngayon Ika’y Minamahal. "There’s a magic between us. Hindi ko alam, basta pag magkasama na kami iba na ang feelings," medyo natatawang kuwento ni Boyet during the presscon. "I also enjoy working with him. We’ve grown so used to each other that everything seems so easy. We know na each other’s working habits, including each other’s moods and temperament," sabi naman ni Ate Vi.

Hanggang ngayon kasi, wala pang puwedeng mag-equal sa loveteam nila kahit may kanya-kanya na silang pamilya.

In any case, Vilma and Christopher plays middle-class couple nang ang kanilang tahimik na buhay ay nagulo dahil sa radical changes ng nasabing dekada dahil sa pulitika. Their children are played by Piolo Pascual, Carlos Agassi, Marvin Agustin, Danilo Barrios and John Wayne Sace. During the presscon, very proud ang mga ‘anak’ nila sa movie. "Iba ang pakiramdam pag isang Vilma Santos at Christopher de Leon ang kasama mo sa pelikula. Kumpleto na ang career ko," sabi ni Marvin.

At any rate, and Dekada ‘70 ay base sa Palanca-winning novel ni Lualhati Bautista, the same writer of Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?.

vuukle comment

ALL SEASONS

AMANDA

ATE VI

DAHIL

DEKADA

MIKEY

MS. RAMOS

VILMA SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with