^

PSN Showbiz

Asia Pacific kokoronahan ngayon

-
Kanino mapupunta ang ika-34 na korona ng pinagpipitaganang Ms. Asia Pacific Beauty Pageant? Marami na ang humuhula, may kanya-kanya ng paborito ang mga nakakita sa 25 naggagandahang dilag na patuloy ang television guestings at pagdalaw sa iba’t ibang lugar sa bansa, pero isa lamang sa kanila ang tatanghaling karapat-dapat na magsuot ng korona.

Sa Sabado, Nobyembre 30 ay sisimulan na ang paghusga para sa natatanging kandidata na magiging Ms. Asia Pacific 2002 sa Grand Coronation Night na gaganapin sa AFP Theater, 7:00 ng gabi. Sina Dingdong Dantes at Paolo Montalban ang mga programs hosts kasama si Rosanne Prieto bilang anchor host.

Isang bonggang programa ang matutunghayan ng mga manonood dahil sa pagbubukas pa lamang ay lalabas na agad si Ms. Asia Pacific 2001 Luciana Parfan para sa kanyang Parade of Nations. Magsasayaw lahat ang 25 na kandidata kasama sina Dingdong Dantes at ang Hotlegs, at haharanahin din sila ni Paolo Montalban. Kasama naman si Willy Cruz para mag-host ng Long Gown Segment habang si TJ Manotoc ang magpiprisinta ng VTR ng Fun Shoots in Boracay ng mga kandidata pati na ang kanilang Talent Night.

Panoorin ang kapana-panabik na koronasyong ito sa delayed telecast ng GMA-7 simula 9:30 ng gabi at sumama sa paghusga kung sino talaga ang karapat-dapat tanghaling Ms. Asia Pacific 2002.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

FUN SHOOTS

GRAND CORONATION NIGHT

LONG GOWN SEGMENT

LUCIANA PARFAN

MS. ASIA PACIFIC

MS. ASIA PACIFIC BEAUTY PAGEANT

PAOLO MONTALBAN

PARADE OF NATIONS

ROSANNE PRIETO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with