^

PSN Showbiz

'Kailangan Kita', P30-M in 4 days lamang!

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
May dahilan para magsaya nang husto si Claudine Barretto. Kailangan Kita, ang pelikula nila ni Aga Muhlach ay tumatabo nang husto ngayon sa takilya. In fact, sa loob lang ng apat na araw (mula sa showing day hanggang Sabado) ay kumita na ito ng 30 million. Ito ay opisyal na ibinalita sa amin ni Roxy Liquigan, AdProm Manager ng Star Cinema. Hindi pa kasama roon ang kinita ng Sunday.

"Sobrang lakas talaga ng movie," kwento ni Roxy. "Increasing everyday. Hindi pa kasama ang gross ng probinsya, simultaneous kasi ang showing ng movie. Baka ma-beat nito ang gross ng Got 2 Believe. Meaning, Claudine is really breaking her own box-office records. Malakas ang chances niyang siya ang maging box-office queen this year."

Dahil sa lakas ng movie, immediately ay muling pumirma si Claudine ng kontrata sa Star Cinema. Last week nangyari ang contract signing. Present ang mga ABS-CBN, Talent Center at Star Cinema bosses na sina Ms. Charo Santos-Concio, Mr. Johnny Manahan, Ms. Malou Santos, Ms. Mariole Alberto, Ms. Lulu Romero at Mrs. Inday Barretto. Sa February, nakatakdang simulan ni Claudine ang next project niya. Hindi lang ikinuwento sa amin kung sino ang makakasama niya.

Claudine inked a 2 picture exclusive contract with Star Cinema. Exclusive ito. Nangangahulugan na tanging Star Cinema lang ang gagawa ng pelikula ng bagong box-office queen.

Ang aming mainit na pagbati kay Claudine, Aga, Direk Rory Quintos at sa lahat ng bumubuo ng Kailangan Kita.
* * *
Biniro namin sina John Prats at Heart Evangelista kung mag-on na ba sila. Marami kasi ang nakakapansin ng extra sweetness nila lately. Both were quick to deny about their rumored relationship. Sabi ni John, "Heart is really special pero bawal pang ligawan. Hindi ko nga siya maisama sa mall eh. Bawal pa. Siguro when she reaches 18, pwede na. Naiintindihan ko naman kasi na medyo strict talaga ang parents niya and I respect their decision."

Kahit si Heart ay aminado na special ang turing sa kanya ni John. Kaya lang, talagang hindi pa siya pwedeng ligawan.

"Ang nakakatuwa kay John, willing siyang maghintay," sabi ni Heart. "Next year, I’m turning 18 at kung andiyan pa siya, at love niya talaga ako, di sige. I love my parents ang I don’t want to dissapoint them."

Hindi maiiwasang mahulog ang loob sa isa’t isa sina John at Heart. The past months ay constant silang magkasama. Lalo na ngayon na may sarili na silang show, ang Berks, ang bagong teen show ng ABS-CBN na magsisimula sa November 16, 4 pm. Regular guest din si John sa Arriba, Arriba na extended hanggang December pa.

Excited ang dalawang ipinagmamalaking stars ng Talent Center dahil anila, parang pelikula ang ginagawa nila sa Berks.

"May workshop for each role. Parang pelikula. Tapos film director pa ang direktor namin, si Direk Gilbert Perez. Sa puntong yun, garantisadong magugustuhan ng viewers ang show namin," sabi ni John.

Sa Berks ay ipakikilala ang bagong loveteam ng ABS-CBN. Kasama rito sina Sarah Christophers, Hazel Ann Mendoza, Khalil Kaimo, Marc Acueza, Alysson Lualhati, Jay Salas, Greg Martin, Karelle Marquez, Ketchup at iba pa.
* * *
Last Friday, dear friend Deo Endrinal celebrated his birthday with a party at Elbow Room, sa 5th level ng The Podium. Sa totoo lang, yun na yata ang pinakamasayang birthday party na dinaluhan namin. Masaya dahil present ang halos lahat ng mga kilalang tao sa industriya. Umapaw ng pagkain at inumin. Masaya si Deo seeing his friend mula noong nagsisimula pa lang siya. Walang umuwing hindi lasing. Nagwagi si Deo na painumin ng alak ang lahat ng guests niya.

Lalong nagpasaya ang kwelang hosting nina John Lapus at Roxy Liquigan. Sa dalawa namin nalaman na unang job pala ni Deo ay sa show na Spin a Win ni Jeanne Young. Nalibot na rin ni Deo ang lahat ng TV station. Present din ang mga taong dating nakatrabaho ni Deo sa GMA 7. At ngayon ay at home na siya bilang isa sa mga executives ng ABS-CBN.

Hindi na namin iisa-isahin ang mga guests ni Deo. Basta, name it, andon sila. Mga big time managers, singers, TV personalities, lahat sila present.

Last Saturday naman, I had dinner with a dear friend Elena dela Vega. Birthday din niya. Ginanap ito sa Dapo Restaurant along Sct. Borromeo in Quezon City. It was an intimate dinner atended by Elena’s close friends.

Kina Deo at Elena, maligayang bati sa inyong dalawa.

vuukle comment

CLAUDINE

DEO

ELENA

JOHN

KAILANGAN KITA

ROXY LIQUIGAN

STAR CINEMA

TALENT CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with