^

PSN Showbiz

Assunta magbabayad ng P6-M sa manager

RATED A - Aster Amoyo -
All’s well that ends well sa pagitan ng talent manager na si Manny Valera at Assunta de Rossi. Nagkasundo na ang dalawa pero hindi ito nangangahulugan na babalik si Assunta sa poder ni Manny kundi inurong na ni Assunta ang kanyang demanda sa kanyang (dating) manager at sumang-ayon na rin ang controversial sexy star na bayaran (in installment basis) ang kanyang manager na nagkakahalaga ng P6M.

Ayon sa aming nakuhang impormasyon, tatapusin umano ni Assunta ang kanyang mga natanguang commitment sa Regal, Viva at Star Cinema kahit pa maging misis na siya ng kanyang equally controversial boyfriend and soon-to-be-husband na si Jules Ledesma. Nagbayad na umano si Assunta ng mga post-dated checks sa kanyang dating manager kaya tuluyan na rin siyang pinakawalan ni Manny although nasa pangangalaga pa rin niya (Manny) ang nakababatang kapatid ni Assunta na si Alessandra.

Ngayong wala na sa poder ni Manny si Assunta, life goes on with him dahil patuloy pa rin siyang magtutuklas at magdi-develop ng mga baguhang talents.

Sa part naman ni Assunta, tiyak na mababago na ang takbo ng kanyang career laluna kung misis na siya at magkaroon sila ng supling ni Cong. Ledesma. Sino nga naman ang magpapatansya pa sa isang may asawa’t anak na?

Sinabi rin umano ni Assunta na ang pelikulang Bahid ang siyang magsisilbing last sexy movie nito.
* * *
Komportable na si Direk Rory Quintos pareho kina Aga Muhlach at Claudine Barretto dahil nasubaybayan niya ang career ng dalawa.

"Pati ang kanilang respective love affair ay nasubaybayan ko na rin," natatawang pahayag ni Direk Rory sa presscon ng Kailangan Kita na magbubukas sa mga sinehan sa Nov. 6.

Ayon kay Claudine, mahihirapan umano niyang gawin ang mga eksenang ginawa niya sa Kailangan Kita kung hindi si Aga ang kanyang kaeksena at kung hindi si Direk Rory ang kanilang naging director. Hindi rin ikinakaila ng dalaga na malaki ang naitulong ni Aga para unti-unti siyang maka-recover sa pagkawala ng kanyang kasintahan for four years na si Rico Yan.
* * *
And speaking of Claudine and Aga, silang dalawa ang pinakamaagang guest celebrities na dumating sa 1st anniversary celebration ng aming S Magazine na ginanap sa Virgin Café – Tomas Morato nung nakaraang Lunes (Oct. 28) ng gabi. Sa kabila ng kanilang very tight schedule, nakuha pa rin ng dalawa na sumaglit sa aming munting selebrasyon na dinaluhan ng maraming stars, celebrities, advertisers at mga taga-media lalung-lalo na ang ating mga kaibigan at kasamahan sa panulat.

Gusto ko ring kunin ang pagkakataong ito na pasalamatan ang lahat na dumalo sa aming paanyaya. Bukod kina Aga at Claudine, dumating din sina Albert Martinez, Snooky Serna, Kuya Germs Moreno, Tirso Cruz III, Ricky Davao, Lara Morena, Bayani Agbayani, Beth Tamayo, Angge, Maribeth Bichara and the VIP Dancers, Garry Lim, Lance Raymundo, Jamie Rivera, The Freshmen, Kyla, Malu Maglutac, Butch Francisco, Tintin Bersola, Julius Babao ang magkakapatid na Lotlot, Matet, Ian at Kiko de Leon, Trovador Ramos, Efren Reyes, Dan Alvaro, Maricar de Mesa, Maui Taylor, Aubrey Miles, Diana Zubiri, Direk Maryo J. delos Reyes, Direk Gil Portes, Maritoni Fernandez, Von Arroyo, John Apacible, Mama Gener Gozum & his models, Daddy Wowie Roxas & talents – Dax Martin, Cody Moreno and Shyr Valdez, Daisy Reyes, Pyar Mirasol, Evangeline Pascual, Carlo Muñoz, Carlo Orosa, Smokey Manaloto, Niño Muhlach, Tanya Garcia, Angelica Jones, Jen Rosendahl, Dante Balboa, Ihman Esturco, Poppo Lontoc, The Real Groove, Marissa Sanchez (who brought the house down), Arnold Vegafria at maraming iba pa.

Hindi rin magiging posible ang selebrasyon na ’yon kundi na rin sa tulong ng maraming tao tulad nina Gelo Serrano & Icel Argana kasama ang kanilang mga staff mula sa Infinite Ideas, Dick Yalung of D7 Vision (na siyang gumawa ng S Magazine AVP) ang aming mga sponsors tulad ng PLDT Global Corporation, Virgin Café, Gener Gozum, Illustrazio, Mix Beverage, United Coconut Planters Bank (Emerald-Ortigas Branch), 103.K-Lite, 99.5 RT, Magic 89.9 WTM, ACK Freight Express, Inc., IPS, Inc., IPS Telecom, Eastern Link, Inc., IPS-USA, Pilipinas International Marketing Services, Inc., Coca Bottlers Corporation, Procter & Gamble Phils. Vera Commercial, Inc., Kassel Ventures Phils. Inc., Compumedics, Dura Star, Brighten Freight International, Inc., House of Accessories, Wimpex, Majim Press, Virginia Foods, Inc., Emilio S. Lim Appliances, Benby, Bhagis, Bobson, Human Essence Spa, Red Ribbon, Lydia’s Lechon, L. Carlos, Florist, Air Speed, Particles/Molecules, Dr. Jonathan Dizon, PR Formula, Minami, 3PC, Malice at Informatics. Sa inyong lahat, maraming-maraming salamat po!
* * *
Email:[email protected]

vuukle comment

ASSUNTA

DIREK RORY

INC

KAILANGAN KITA

KANYANG

RIN

S MAGAZINE

VIRGIN CAF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with